2 patay, 1 sugatan sa election-related incidents --PNP | Bandera

2 patay, 1 sugatan sa election-related incidents –PNP

John Roson |February 07,2016
facebook
share this

2 patay, 1 sugatan sa election-related incidents –PNP

John Roson - February 07, 2016 - 06:39 PM

comelec
Di bababa sa tatlong insidente, kung saan dalawang tao ang nasawi at isa pa ang nasugatan, ang pinaniniwlaang may kinalaman na sa papalapit na eleksyon, ayon sa datos na inilabas ng pulisya kahapon.

Isa sa mga insidente ay naitala sa Masbate, na muling nasa listahan ng ng election “hotspots” ngayong taon, habang ang dalawa pa’y naganap sa Surigao del Norte, ayon sa datos ng PNP Directorate for Investigation and Detective Management (DIDM).

Kabilang sa mga pinaniniwalaang election-related incidents (ERI) ang pagpatay kay Jonathan Sullera, chairman ng Brgy. Cabangcalan, Placer, Masbate, noong Enero 15.

Kabilang din sa listahan ang magkahiwalay na pamamaril na ikinasawi ni Danrevel Etac, isang retiradong pulis na tumatakbo bilang konsehal sa Placer, Surigao del Norte, noong Enero 11; at ikinasugat ng isang Alyn Silagan, sa Bacuag, doon din sa Surigao del Norte, nang parehong araw.

Isinasailalim pa sa validation ang tatlong insidente bago ituring na talagang election-related, ayon sa DIDM.

Saklaw lang ng listahan ang panahon mula Enero 10 hanggang 18.

Ayon kay PNP spokesman Chief Superintendent Wilben Mayor, mga insidenteng naganap lang sa loob ng “election period” — na pormal na nag-umpisa noong Enero 10 at magtatapos sa Hunyo 8 — ang maaaring maisama sa listahan ng possibleng ERIs.

“Politically motivated incidents” lang ang itatawag sa mga insidente na bagamat kinasangkutan ng mga elected government official, appointed government official, miyembro ng kanilang pamilya, security personnel, at mga taga-suporta, ay naganap sa labas ng election period, ani Mayor.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending