Magsisilbi sa eleksyon mas malaki ang bayad | Bandera

Magsisilbi sa eleksyon mas malaki ang bayad

|February 07,2016
facebook
share this

Magsisilbi sa eleksyon mas malaki ang bayad

- February 07, 2016 - 04:07 PM

comelec
Tatanggap ng mas malaking bayad ang mga magsisilbi sa mga presinto sa darating na eleksyon.
Ayon kay ACT Rep. Antonio Tinio pirma na lamang ni Pangulong Aquino ang kulang upang maipatupad ang panukala na nag-aalis rin ng obligasyon sa mga guro sa pampublikong paaralan na magsilbing mga Board of Election Inspectors.
Sinabi ni Tinio na mula sa P4,000 noong nakaraang eleksyon ay makatatanggap na ang P6,000 bayad ang mga chairperson ng BEI.
Ang dalawa naman niyang kasama ay makatatanggap ng tig-P5,000 honorarium. Ang election supervisors naman ay P4,000 at ang support staff ay P2,000.
Bibigyan din sila ng transportation allowance na P1,000 mula sa P500.
Sinabi ni Tinio na magkakaroon din ng obligasyon ang gobyerno na bigyan ng legal assistance ang mga BEI na makakasuhan dahil sa pagtugon nila sa kanilang tungkulin.
“Actually isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit yong teacher, halimbawa, ay nadadala sa pagsisilbi sa eleksiyon dahil in the past, kahit matagal nang tapos ang eleksiyon kung nakasuhan o na-involved sa isang election related case ang isang teacher, kahit matagal nang tapos ang eleksiyon, ay hinaharap pa rin nila sa korte ang kaso. Tapos walang suporta o kulang sa tulong mula sa gobyerno.”
Kung masasawi dahil sa karahasan ng eleksyon, ang mga BEI ay may makukuhang P500,000 death benefits mula sa P250,000.
Aabot sa P800 milyon ang kakailangan ng Commission on Elections para sa pagtataas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending