Rated K ni Korina kasama sa Top 10 TV show sa Pinas | Bandera

Rated K ni Korina kasama sa Top 10 TV show sa Pinas

Ervin Santiago |February 07,2016
facebook
share this

Rated K ni Korina kasama sa Top 10 TV show sa Pinas

Ervin Santiago - February 07, 2016 - 02:00 AM

korina sanchez

Sa katatapos lang na national survey ng Kantar Media, isa ang Rated K ni Korina Sanchez-Roxas sa Top 10 TV Programs para sa buwan ng Enero, 2016. Pang-anim na pinakapinapanood na programa sa telebisyon ang show ng misis ni Mar Roxas with a national TV rating na 24.3%.

Halos 11 taon nang namamayagpag sa ere ang Rated K ni Korina at maituturing na itong isa sa mga flagship shows ng Kapamilya network. Hataw sa ratings game ang Rated K dahil consistent ito sa pagpapalabas ng mga kakaibang istorya na sumasalamin sa buhay ng mga Pilipino mula Luzon, Visayas, Mindanao, at maging sa ibayong dagat.

Matatandaan na nagwagi rin ang programa sa katatapos lang na PMPC Star Awards For TV bilang Best Magazine Show at si Korina naman bilang Best Magazine Show Host.

Talagang swak na swak ang Rated K sa panlasa ng mga Pinoy dahil balanseng balanse ang mga istoryang inihahatid nila bawat Linggo – mula sa mga kapanapanabik na istroya at mga rebelsayon ukol sa mga sikat na celebrities, mga nakakakilabot na istorya ng katatakutan, mga katakam-takam na pagkain na makikita sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, mga kakaibang gimikan at libangan para sa buong pamilya at barkada, at mga ekstraordinaryong istorya ng mga ordinaryong Pinoy na tunay na mga bida sa programa.

“Hindi namin ito mararating kung hindi dahil sa walang sawang pagtangkilik ng buong bayan sa Rated K,” sabi ng award-winning broadcast journalist. Dagdag pa niya, “Sulit na sulit ang lahat ng pagod namin kapag may mga ganitong balita.

Sa ngalan ng aking staff and crew sa Rated K, taos puso akong nagpapasalamat sa lahat ng mga Pilipinong hindi bumitaw sa aming programa. Dahil dito, mas inspirado kami at lalo pa naming pagbubutihan ang aming trabaho.”

Panoorin ang Rated K sa ABS-CBN tuwing Linggo ng gabi pagkatapos ng Wansapanatym at bago mag-Pilipinas Got Talent.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending