Angel, Luis nag-dinner sa Makati, nagkabalikan na raw | Bandera

Angel, Luis nag-dinner sa Makati, nagkabalikan na raw

Alex Brosas |February 07,2016
facebook
share this

Angel, Luis nag-dinner sa Makati, nagkabalikan na raw

Alex Brosas - February 07, 2016 - 02:00 AM

luis manzano

Nakitang nagdi-dinner sina Angel Locsin at Luis Manzano sa isang resto sa Makati. Apparently, hindi pa naman talaga sila hiwalay as in hiwalay.

Siguro tama ang sinasabi nilang may pinagdadaanan sila ngayon sa kanilang relasyon at hindi sila ready na i-reveal kung ano iyon.Ang mahalaga posibleng “nagkabalikan” na uli sila.

Ang latest chika, nagulat daw itong si Luis dahil may kumakalat na chikang dahil sa “Darna” kaya sila naghiwalay ni Angel. Parang pinalalabas sa chika na galit si Luis dahil gagawin pa rin ni Angel ang iconic role kahit na may diperensiya ito sa katawan.

Hindi nga ba’t nagpaopera pa si Angel sa aboard para lang malunasan ang kanyang sakit?
“Honestly, walang kinalaman ang Darna. Nagulat ako sa Darna issue na yan,” say ni Luis sa isang interview.

“There are so many speculations. Ibigay na natin sa kanila ‘yung mga gusto nilang isipin, At the same time, ibigay na nila sa amin ‘yung natitira para sa amin,” dagdag pa ng binata.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending