Julia nagpakaligaya sa isang isla sa Leyte | Bandera

Julia nagpakaligaya sa isang isla sa Leyte

Ervin Santiago |February 07,2016
facebook
share this

Julia nagpakaligaya sa isang isla sa Leyte

Ervin Santiago - February 07, 2016 - 02:00 AM

julia barretto

Narito naman ang mga kailangan n’yong tutukan sa pagpapatuloy ng And I Love You So sa ABS-CBN. Mangyayari na ang pagkakataong kinakatakutan ni Katrina (Angel Aquino) dahil madidiskubre na ni Trixie (Julia Barretto) ang katotohanan na hindi siya tunay na anak ni Alfonso (Tonton Gutierrez) sa haponserye na And I Love You So.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, mababasa ni Trixie ang DNA test na nagsa-sabing hindi sila genetically matched ng kanyang ama. Agad din naman niyang haharapin ang kanyang inang si Katrina at ilalabas ang kanyang galit dahil sa panlolokong ginawa sa kanya nito.

Pagtatakpan pa rin kaya ni Katrina ang kanyang mga kasinungalingan? Manumbalik pa kaya ang pagmamahal ni Trixie sa kanyang ina? Tutukan ang mga kapana-panabik na eksena sa And I Love You So, tuwing hapon sa ABS-CBN.

Speaking of Julia Barretto, nag-break sandali ang young actress at nagpakaligaya sa isang beach resort sa Leyte. Ilang litrato na kuha sa Kalanggaman Island sa Palompon, Leyte ang ipinost ng dalaga sa kanyang Instagram account.

Ang isang photo ay may caption na: “I’m home,” ibig sabihin talagang favorite niya ang nasabing lugar na madalas daw niyang puntahan kahit noong bata pa siya.

Wala kaming nakitang ibang kasama ng dalaga sa mga litrato kaya hindi kami sure kung bumiyahe ba siyang mag-isa o may kasamang tropa? O baka, nagtago lang sila sa mga picture?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending