Sunshine sa chikang may anak na si Cesar sa iba: E ‘di wow!!! | Bandera

Sunshine sa chikang may anak na si Cesar sa iba: E ‘di wow!!!

Ervin Santiago |February 07,2016
facebook
share this

Sunshine sa chikang may anak na si Cesar sa iba: E ‘di wow!!!

Ervin Santiago - February 07, 2016 - 02:00 AM

cesar montano

KALAT na kalat na ang chika na nanganak na raw ang dalawang babaeng nali-link ngayon kay Cesar Montano. Sa huling panayam ng entertainment media kay Buboy sa presscon ng bago niyang teleserye sa TV5, ang Bakit Manipis Ang Ulap? kung san makakasama niya sina Claudine Barretto at Diether Ocampo, tumanggi siyang sagutin ang mga tanong na may kinalaman sa kanyang personal na buhay.

Kaya naman sa nakaraang press launch ng bagong TV series ng ABS-CBN, ang Dolce Amore kung saan kasama ang estranged wife niyang si Sunshine Cruz, natanong ang aktres tungkol dito.
Gulat na gulat si Sunshine nang malaman ang balita tungkol sa dalawang babaeng halos sabayan na nanganak at si Cesar nga raw ang itinuturong ama. “Talaga? E di wow! Hindi, nga,

Meron na ba? Ilan na ba? Talaga? Naku!” ang sunud-sunod na reaksiyon-tanong ng aktres. Ngunit inamin ni Sunshine na may idea na rin siya tungkol dito, “Kasi noong noon pa, may nag-message sa kanila na someone telling them that someone is pregnant, parang ganun.

It was them who told me, ‘Mom, someone messaged me. You’re on Instagram.’” Dugtong pa ng aktres, “Pero whatever it is, sabi ko nga, everybody deserves to be happy. He deserves to be happy.

He deserves to be in love. Ganu’n din naman ako. So, nagkataon lang siguro, kung totoo ‘yan, karapatan niya yun bilang tao.” At kung totoo man daw na may anak na si Cesar sa ibang babae, feeling ni Sunshine wala itong magiging problema sa mga anak nila, “Kung sakaling totoo ‘yan o hindi, wala namang kasalanan ang sanggol diyan.

Of course, they will accept whoever ‘yan, kung totoo ‘yan, with open arms.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending