Umawat sa away ng mga magulang, 9-anyos patay sa saksak ng ama | Bandera

Umawat sa away ng mga magulang, 9-anyos patay sa saksak ng ama

John Roson |February 06,2016
facebook
share this

Umawat sa away ng mga magulang, 9-anyos patay sa saksak ng ama

John Roson - February 06, 2016 - 05:33 PM

NASAWI  ang 9-anyos na batang babae matapos masaksak ng ama nang subukan niya itong pigilan sa pagsaksak sa kanyang ina, sa Dalaguete, Cebu, kamakalawa (Biyernes) ng gabi, ayon sa pulisya. Ikinasawi ni Kimberly Tangpos ang saksak sa kaliwang bahagi ng dibdib, sabi ni Supt. Renato Dugan, tagapagsalita ng Central Visayas regional police. Matapos ang insidente’y sumuko ang ama niyang si Marcelo Tangpos sa mga rumespondeng pulis, sabi ni Dugan sa isang text message. Naganap ang insidente dakong alas-8 sa bahay ng mga Tangpos sa Brgy. Maloray. Lumabas sa imbestigasyon na bago iyo’y umuwi nang lasing si Marcelo at nakipagtalo sa misis na si Bernadeth. Nauwi sa sakitan ang eksena hanggang sa kumuha si Marcelo ng patalim at sinugod ang misis, ngunit sinubukan siyang pigilan ni Kimberly kaya nasaksak ang bata, ani Dugan. Matapos sumuko ay dinala si Marcelo sa Dalaguete Police Station, kung saan siya ngayon nakaditine habang hinahandaan ng kaukulang kaso.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending