Grace Poe nakabawi; nanguna na naman sa Pulse Asia survey | Bandera

Grace Poe nakabawi; nanguna na naman sa Pulse Asia survey

|February 06,2016
facebook
share this

Grace Poe nakabawi; nanguna na naman sa Pulse Asia survey

- February 06, 2016 - 11:57 AM

MULING namayagpag ang rating ni Senador Grace Poe nang manguna ito sa pinakabagong survey ng Pulse Asia, tatlong buwan bago gawin ang May 9 presidential elections..

Sa ginawang survey ng Pulse Asia noong Enero 24 hanggang 28, nakakuha ng 30 porysento si Poe sa kabuuang 1,800 na tinanong kung sino ang kanilang iboboto.

Nasa ikalawang pwesto naman si Vice President Jejomar Binay na nakakuha ng 23 porsyento habang ang pabato ng Malacanang na si dating Interior Secretary Mar Roxas ay umani lang ng 20 porysento at ka-tie niya rito si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Inilabas ng Pulse Asia ang resulta Sabado ng umaga.

Sa ipinalabas na kalatas ng Pulse Asia, sinabi ng pangulo nito na si Ronald Holmes, tanging si Poe at Binay lamang ang nakapagtala ng “marked movemets” sa kanilang mga numero sa pagitan ng Disyembre 2015 hanggang Enero ngayong taon.

 

Umani ng 9 porsyento si Poe mula sa dati niyang rating noon Disyembre habang bumaba naman ng 10 porsyento si Binay mula sa rating nito ng nasabi ring buwan.

Samantala, nangunguna pa rin si Senador Chiz Escudero sa pagka-bise presidente matapos makapagtala ng 10 porysentong lamang sa nasa ikalawang pwesto na si Senador Bongbong Marcos.

Nakakuha si Escudero ng 33 porsyento habang si Marcos ay 23 porsyento, at sinundan naman ng pambato ng administrasyon na si Leni Robredo na nakapagtala ng 18 porysento.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending