Dimples Romana bibida sa life story ni Leni Robredo sa MMK | Bandera

Dimples Romana bibida sa life story ni Leni Robredo sa MMK

Ervin Santiago |February 07,2016
facebook
share this

Dimples Romana bibida sa life story ni Leni Robredo sa MMK

Ervin Santiago - February 07, 2016 - 02:00 AM

dimples

Tunghayan ang kwento ng katatagan at inspirasyon ng isang babae na pinili ang tawag na maging ina sa mas nakararami sa katauhan ni Rep. Leni Robredo ngayong Sabado sa Maalaala Mo Kaya.

Bata pa lang si Leni (gagampanan ni Dimples Romana) ay tinuruan na ito ng mga magulang na maging masipag, tumayo sa sariling mga paa, at maging bukas palad sa lahat ng nangangailangan.

Dala niya ang mga pagpapahalagang ito hanggang sa siya ay bumuo ng sarili niyang pamilya kasama ang yumaong Department of Interior and Local Government secretary at Naga City Mayor Jesse Robredo.

Hangga’t maaari ay nais ilayo ni Leni ang tatlong anak sa gulo ng pulitika hanggang sa nangyari ang aksidenteng bumawi sa buhay ng kanyang asawa. Mula sa pagiging ordinaryong abogado at maybahay ay maiiba ang tatahakin niyang landas sa ngalan ng paglilingkod sa bayan.

Kasama rin sa upcoming episode na ito ng MMK sina Marvin Agustin, Belle Mariano, Sofia Andres, Casey Da Silva, Inah Estrada, Yesha Camile, Mutya Orquia, Jong Cuenco, Ruben Gonzaga, Lowell Conales, Roden Araneta, Jed Montero, Jason Fernandez, Gerard Acao, Joe Gruta at Gigi Locsin sa direksyon ni Raz dela Torre, at sa panulat ni Mary Rose Colindres.

Ang MMK ay pinamumunuan ng business unit head nito na si Malou Santos. Huwag palampasin ang longest-running drama anthology sa Asya, MMK tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending