Da Who: Sikat na aktres noon wala nang paki sa pamilya, mga kaibigan sa probinsiya | Bandera

Da Who: Sikat na aktres noon wala nang paki sa pamilya, mga kaibigan sa probinsiya

Cristy Fermin |February 05,2016
facebook
share this

Da Who: Sikat na aktres noon wala nang paki sa pamilya, mga kaibigan sa probinsiya

Cristy Fermin - February 05, 2016 - 07:40 PM

NAALALA namin ang kasabihan na walang bayaning tinatanggap sa sarili niyang bayan nang marinig namin ang mga kuwento tungkol sa isang babaeng personalidad.
Malaking-malaki ang naging pangalan niya nang pasukin ng female personality ang pag-aartista, maraming nagsasabi na marami pang artista ang darating sa mundo ng showbiz, pero siguradong hindi mararating ang estadong hinawakan niya.
Pero ang lahat ay lumalamig, lalo na kapag hindi iningatan, tulad ng career ng babaeng personalidad na nandiyan pa rin naman pero hindi na kasing-init nang dati.
Meron pa rin siyang mga proyekto, pero ang pangalan niya ay hindi na kasing-init nang dati, maraming nanghihinayang sa kinauwian ng kanyang popularidad.
Umuuwi pa rin sa kanyang probinsiya ang female personality, pero hindi para dalawin ang kanyang pamilya at mga dating kaibigan, kundi para asikasuhin ang mga naiwanan kuno niyang kayamanan sa naturang lugar.
“Hindi naman siya umiikot, ni hindi nga niya kinukumusta ang mga kamag-anak niya, nagpupunta lang siya du’n para pirmahan ang ilang dokumentong kailangan para makuha niya ang hinahabol niya.
“Mula nu’ng sumikat siya, e, hindi na siya nagkaroon ng time na kumustahin ang mga kababayan niya, wala lang, parang wala siyang pakialam sa ganu’n,” kuwento ng aming source.
Pinutol ng female personality ang pakikipagkumustahan sa mga taong nakakaalam ng tunay niyang buhay nu’ng hindi pa siya nag-aartista. Kahit sa kanilang fiesta, sa dami ng taong nakalipas ay hindi siya naiimbita para magpasaya sa kanyang mga kababayan, palagi siyang busy.
Magkaroon pa kaya ng milagro para maalala ng babaeng personalidad na itey ang mga kababayan niya? Ano sa palagay mo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending