Ikalawang 'KASAL' nina Heart at Chiz di na tuloy: Baka kasi mabahiran pa ng Politika! | Bandera

Ikalawang ‘KASAL’ nina Heart at Chiz di na tuloy: Baka kasi mabahiran pa ng Politika!

Ervin Santiago |February 06,2016
facebook
share this

Ikalawang ‘KASAL’ nina Heart at Chiz di na tuloy: Baka kasi mabahiran pa ng Politika!

Ervin Santiago - February 06, 2016 - 02:00 AM

heart evangelista

SA successful launch ng kanyang art exhibit na “Oceans Apart” sa Ayala Museum, sinabi ni Heart Evangelista na super thankful sila ng asawang si Sen. Chiz Escudero sa mga blessing na dumating sa kanila nitong nakaraang taon lalo na ang pagkakaayos nila ng kanyang parents.

Ngunit ibinalita ni Heart na hindi na matutuloy ang pag-renew ng wedding vows nila ni Chiz. Ayaw raw nila kasing mabahiran pa ito ng pulitika na nakatakda sana sa Feb. 15, ang kanila ring first wedding anniversary.

“Actually, we really want it na magkaroon kami ng kaunting ceremony or renewal of vows. But then, iniisip namin na hindi siguro ito ang tamang panahon para magkaroon ng ganung ceremony, kasi mabibigyan lang din siya ng ibang kulay,” esplika ng Kapuso actress.

Aniya pa, “Sayang lang din kung hindi rin namin mae-enjoy at hindi magiging romantic. It can wait. Ang importante is happy na kaming lahat, okay na ang family ko. We could save that for another day.”

Samantala, magse-celebrate naman ng Valentine’s Day at first wedding anniversary sina Heart at Sen. Chiz sa Sorsogon, ang hometown ng senador. Ayon kay Heart, na magdiriwang din ng 31st birthday sa mismong Valentine’s Day, ay simple lang ang gusto niyang celebration sa kaarawan niya, ang importante ay kasama niya ang kanyang family and friends.

“Pupunta kaming Sorsogon tapos salubong na rin ng wedding anniversary namin doon. Masaya naman na ako sa ganu’n eh. Nandu’n yung mga kaibigan ko pati yung kapatid ko,” kwento ni Heart.

Nangako naman si Heart na sasamahan niya si Chiz sa ilang campaign sorties ng asawa sa iba’t ibang lugar sa bansa na tumatakbong vice president, “Siyempre, he also respects that I have work. But bilang asawa, of course, I’ll be there for him.

“If ever na hindi siya makarating sa isang sortie, ako yung pupunta. That’s good kasi we get to reach two places at one time,” dagdag niya. “It’s also my chance to see the Philippines, kasi for 17 years, grabeng every day ako nagtatrabaho.

Two weeks in a year lang ako puwede magbakasyon, so minus four days pa yun dahil sa travel time.
“Parang ngayon ko pa lang talaga mae-experience na makakaikot sa Pilipinas, so I’m very excited also,” sey pa ni Heart.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending