Kiray 6 na pelikula ang gagawin sa Regal, gustong tikman si Sam | Bandera

Kiray 6 na pelikula ang gagawin sa Regal, gustong tikman si Sam

Reggee Bonoan |February 06,2016
facebook
share this

Kiray 6 na pelikula ang gagawin sa Regal, gustong tikman si Sam

Reggee Bonoan - February 06, 2016 - 02:00 AM

derek ramsay

Ang taray ni Kiray Celis dahil anim na pelikula pa ang gagawin niya sa Regal Entertainment, kinontrata na kasi siya ng mag-inang Mother Lily Monteverde at Roselle Monteverde-Teo.

Yes bossing Ervin, hindi pa kasama ang “Love Is Blind” na ipalalabas palang sa Peb. 10 sa 6-picture contract ni Kiray sa Regal. Ang follow-up movie ng komedyana ay ang “I Love You To Death” na launching movie niya sa direksyon ni Perci Intalan na siya ring direktor ng #ParangNormalActivity na napapanood sa TV5.

Pero bago natin pag-usapan ang “I Love You To Death” ay ito munang “Love Is Blind” kung saan makakasama ni Kiray sina Derek Ramsay, Solenn Heussaff at Kean Cipriano sa direksyon ni John Paul Laxamana na first time gumawa sa mainstream.

Kitang-kita na ibang-iba ang aura ni Kiray habang isinasagawa ang presscon ng “Love Is Blind” dahil sobrang saya raw niya at ngayon lang niya naranasan ang ganitong importansiya simula nu’ng nag-artista siya at ang Regal Entertainment lang daw ang nagparamdam sa kanya nito.

Kadalasan kasi ang papel niya sa mga programa sa TV at pelikula ay pinagtatawanan, bestfriend ng bida o kaibigan ng grupo na pabida pero sa “Love Is Blind” ay ang ganda-ganda niya sa paningin ng lahat.

“Nakakatuwa nga po, kasi nu’ng ibinigay sa amin ang script, talagang inaral ko, kasi akala ko ‘yun lang ang papel ko, akala ko ilang sequences lang, e, sa buong pelikula pala ‘yun, kaya sobrang tuwa ko po,” kuwento ni Kiray sa amin.

Kaya todo pasalamat talaga siya sa mag-inang Mother Lily at Roselle dahil tinupad ang pangarap niya na hindi naibigay ng home studio niya. Pahayag ng komedyana, “Kasi never naman po akong naging priority (sa ABS-CBN).

Ba’t naman ako magtatampo? Kung ginawa nila akong bida du’n, baka ‘ano ba ‘yun, ba’t di nila ako binibigyan?’ Pero never ko pong na-feel na special ako so, wala pong dapat ikatampo.”

Pero aminado si small but terrible Kiray na sobrang pressured siya sa “Love Is Blind”, “Siyempre, mas pressure na. Sabi ko nga, hindi pa nailalabas ‘yung movie na isa, may bago na naman. Sabi ko, hindi ko nga alam kung okay ba ‘to,” pag-amin ng dalaga.

Nasa tamang panahon na ba na magkaroon siya ng sariling pelikula? “Siyempre, ‘yun ang pangarap ko. Sana, ito na ang tamang panahon. Sa tagal-tagal ko pong naging artista, ang tagal ko rin pong hinintay ‘yung panahon na ‘to,” pag-amin ng dalaga.

Ang tanging kahilingan ni Kiray ay maging leading man niya si Sam Milby dahil matagal na raw niyang crush ang Rockoustic singer at loyal siya rito. Hayan may ideya na sina Mother Lily at Roselle kung sino ang next leading man ni Kiray kaya tabi-tabi muna Jennylyn Mercado. Ha-hahaha! Ano kaya ang magandang materyal para kina Kiray at Samuel?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending