Matteo planado na ang Valentine date nila ni Sarah | Bandera

Matteo planado na ang Valentine date nila ni Sarah

Reggee Bonoan |February 06,2016
facebook
share this

Matteo planado na ang Valentine date nila ni Sarah

Reggee Bonoan - February 06, 2016 - 02:00 AM

sarah geronimo

AKSIDENTENG nasabi ni Matteo Guidicelli na noong nasa Italy sila para sa shooting ng Dolce Amore ay walang ginawa si Liza Soberano kundi mag-Facetime na ikinabigla ng dalaga.

Ang tila na-shock namang sagot ng dalaga sa presscon ng Dolce Amore, “Ha!? Wala nga akong wi-fi!”
Gets na ni Matteo ang pagtanggi ni Liza kaya hindi na siya nagkuwento pa.  Sa tanong naman kung anong masasabi ng boyfriend ni Sarah Geronimo kay Liza, “Sobrang ganda, baka nga mag-away kami (ni Sarah),” birong sabi ng aktor.

Oo naman, wala namang record si Matteo na nangangaliwa kaya walang dapat ipag-alala si Sarah dahil loyal sa kanya ang aktor. Alam mo ba bossing Ervin na sobrang thankful si Matteo na napasama siya sa Dolce Amore dahil natupad na ang wish ng namayapa niyang lolo na si dating Chief Justice Marcelo Fernan, pangarap pala nito na makapag-shoot ang kanyang apo sa Italy.

Kuwento nga ni Matteo, “It feels great talaga na makasama ako dito, actually I wanted to focus na on my album already pero lumapit ang Star Creatives at sinabi na, ‘Matteo we have a project for you, it’s called Dolce Amore and you’ll shoot in Italy and you’ll be an Italian character.

“Sabi ko, ‘wow’. I lost my lolo (Marcelo) last year and his dream for me is to do a film in Italy, sabi ko kay lolo, ‘Pa, it’s not gonna happen, ba’t naman gagawa ang ABS-CBN).’  “So ‘yun, nangyari na ang mga pangyayari at ‘yun, it’s very close to my heart and I’m very close working with them sina direk Bobot (Mortiz), especially direk Cathy (Garcia-Molina) and direk Mae (Cruz-Alviar), so astig-astig ang project, ang ganda,” sabi pa ni Matteo.

Hindi na nag-audition pa ang aktor para sa papel niya bilang si Giancarlo na bestfriend ni Liza at may pagtingin sa kanya dahil magaling na siyang mag-Italyano. Sa tanong kung paano ise-celebrate ni Matteo ang Araw ng mga Puso kasama ang girlfriend niyang si Sarah, “Actually, pina-block ko na ang schedule na ‘yun, but since may promo raw sa ASAP at Market Market, siguro work,” sabay tawa ng aktor.

Pero napaamin din ang aktor na pagkatapos ng trabaho ay may dinner siya pero hindi na binanggit kung sino ang kasama. Pero kailangan pa bang i-memorize yan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending