Ka-compatible ba ang BF at ito na ba ang makakatuluyan? (2) | Bandera

Ka-compatible ba ang BF at ito na ba ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield |February 06,2016
facebook
share this

Ka-compatible ba ang BF at ito na ba ang makakatuluyan? (2)

Joseph Greenfield - February 06, 2016 - 03:00 AM

Sulat mula kay Susan ng San Joaquin,  Capoocan, Leyte

Problema:

1. May boyfriend ako sa ngayon at tatlong taon na ang relasyon namin ng boyfriend ko at sa kasalukuyan madalas ng may nangyayari sa amin. Sabi ko sa kanya ay magpakasal na kami, pero hindi pa daw siya handa. Nagpapa-aaral pa kasi siya ng kapatid kaya hindi pa daw siya handang mag-asawa.

2. Kaya sa ngayon medyo kinakabahan ako na baka sa bandang huli ay hindi nya rin ako piliing pakasalan. Kaya naisipan kong sumngguni sa inyo upang itanong kung compatible po ba kmi ng boyfriend ko at kami na po ba ang magkakatuluyan? September 7, 1990 ang birthday ko at May 11, 1990 naman ang boyfriend ko.
Umaasa,
Josielyn ng Davao City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Virgo (Illustration 2.) at Taurus naman ang boyfriend mo ay nagsasabing compatible kayo, dahil ang Virgo at Taurus ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong earth o lupa. Ibig sabihin, tugma at compatible talaga kayo!
Numerology:
Ganon din ang kinalabasang pag-aanalisa ng birth date mong 7 at 11 naman ang boyfriend mo, kung saan, kapwa tugm at compatible din ang numerong 7 at 11, dahil kapwa sila nabibilang sa weak number na tinatawag. Kung saan, sa Numerology ang parehong weak number ay sadya ngang tugma at compatible sa isat-isa.
Luscher Color Test:
At sa panahong nagkatuluyan na kayo ng boyfriend mo, gumamit ng kulay na berde, at dilaw. Ang nasabing mga kulay ang magbibigay ng dagdag na suwerte at lalo pang iinit ng inyong pagmamahalan.

Huling payo at paalala:
Josielyn ayon sa iyong kapalaran walang duda ang kasalukuyan mo na ngang boyfriend ang iyong makakatuluyan, higit lalo kung ang porma ng kanyang pangangatawan ay medyo payat na kayumanggi ang kulay ng balat. Kung saan, sa susunod na taon 2017, sa edad mong 27 pataas, may isang simpleng kasalang magaganap na hahantong sa isang maligaya at pang habang buhay ng pagpapamilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending