Kathryn mas type ang beach wedding | Bandera

Kathryn mas type ang beach wedding

Ervin Santiago |February 06,2016
facebook
share this

Kathryn mas type ang beach wedding

Ervin Santiago - February 06, 2016 - 02:00 AM

daniel padilla

NAGING emosyonal si Daniel Padilla sa farewell and thanksgiving presscon ng Primetime Bida series ng ABS-CBN na Pangako Sa ‘Yo nang hingan ng mensahe para sa ka-loveteam at rumored girlfriend niyang si Kathryn Bernardo.

Ayon kay Daniel, proud na proud siya kay Kathryn hindi lang bilang aktres kundi bilang isang anak at kaibigan.  “Grabe na pala talaga ang pinagsamahan naming dalawa di ba? Na sobrang napa-proud lang ako kay Kathryn sa lahat ng nararating niya ngayon, na ako ‘yung kasama niya sa lahat ng nararating niya,” ani DJ.

Dagdag pa ng Teen King, “Very happy kami sa isa’t isa. Para sa akin napakabait lang talaga ng Diyos and ngayon wala na akong hinahanap pang iba, wala na akong kailangan pang iba. Pag-iniisip ko paggising ko kung may kulang pa ba sa akin, wala, okay na ako.

Ganu’n na ‘yung estado ngayon.”  Para naman kay Kathryn napakalaki ng naitulong ni Daniel para mas maging mature siya sa halos lahat ng bagay, “Si DJ, grabeng mag-isip. Sobrang lalim niyang tao, sobrang mature niya.

“Masasabi ko na mas nag-grow ako as a person because of DJ, ‘yung sa mga simpleng bagay, ‘yung mga pakikipag-usap sa mga tao, ‘yung pag-handle ng problema ko, siya ‘yung nagpa-realize sa akin ng magandang bagay,” dagdag ng dalaga.

Nang tanungin kung paano nila ide-describe ngayon ang kanilang relasyon, sey ni Daniel, “Kami ni Kathryn para sa akin is bigayan kami. Like sa akin pag ako nasa set at pag nakikita kong hindi masaya si Kathryn bad trip na ako nu’n.

“Pero pag ako nasa set at nakikita kong okay siya sa set, kayang-kaya kong mag-taping hanggang kinabukasan. Alam mo ‘yung feeling na ganon, ‘yung tawag don…love.” Sundot na tanong sa kanya, kung sila na ba talaga? “Ha-hahaha! Huwag muna. Sorry!”

Ayon naman kay Kathryn, mas naging close na ngayon si Daniel sa pamilya niya, at ganu’n din siya sa family ng binata, “Ever since naman si tita Karla (Estrada), sina tito Do, ‘yung mga family ni DJ, pati sila mama sumasama sa akin sa taping parati so parang naging anak na rin talaga ni mama si DJ.

“‘Yung parang pinagsasabihan siya kapag may ginagawa si DJ so parang naging close na kasi si mama lalo pati si DJ, naging anak na niya. Sina mama naman, sina tita Karla, sinasabi naman na ‘Hindi naman importante na kayo ngayon basta i-enjoy niyo lang and bata pa kayo pareho.’

Basta ang importante alam namin ‘yung limitations namin,” dagdag ng Teen Queen. At dahil nga may wedding scene na sila sa huling linggo ng PSY, natanong ang magka-loveteam kung may dream wedding na sila.

Sey ni Kath, “Actually similar di ba don, kaunti lang sila sabi ko, gusto kong wedding mga 30 lang kaming tao sa isang island tapos sa beach, tapos simple lang lahat, casual, tapos gusto ko private.”

Para naman kay DJ, “Ako di ba nasa simbahan ako tapos lahat ng supporters ko nasa labas so pag kinasal ako gaganon ako sa labas ‘Yeah’ so di ba, sigawan sila at least kasama sila don sa kasal, parte sila.”

Samantala, sa nalalabing mga araw ng Pangako Sa ‘Yo, tuluyan na ngang nalaman nina Amor (Jodi Sta. Maria) at Eduardo (Ian Veneracion) na si Yna at Maria Amor (Kathryn) ay iisa, sa kabila ng pagsisikap ni Claudia (Angelica Panganiban) na itago sa kanila ang katotohanan.

Ngunit kasabay ng pagbubunyag nito ay ang rebelasyong magkapatid sina Yna at Angelo (Daniel). Paano nito maaapektuhan ang pangako ng pag-ibig nina Yna at Angelo sa isa’t isa?

Paano nga ba maibubunyag ang pangako ng katotohanang hindi si Eduardo ang tunay na ama ni Angelo, kundi si Simon (Alex Medina)? May magagawa pa ba si Claudia para sirain ang kaligayahan nina Amor at Eduardo?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang mga huling araw ng classic love story ng mga Pilipino, Pangako Sa ’Yo, gabi-gabi pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

By the way, sa nakaraang siyam na buwan, patuloy na namamayagpag ang PSY at gabi-gabi ring panalo sa puso ng mga manonood. Sa katunayan, nakuha ng soap ang all-time high na national TV rating nitong 40.6% noong Martes (Feb. 2).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending