Mark Neumann adik sa gym kaya mas gumanda pa ang katawan | Bandera

Mark Neumann adik sa gym kaya mas gumanda pa ang katawan

Cristy Fermin |February 06,2016
facebook
share this

Mark Neumann adik sa gym kaya mas gumanda pa ang katawan

Cristy Fermin - February 06, 2016 - 02:00 AM

mark neumann

Sa Sabado nang gabi, pagkatapos ng Born To Be A Star na muling maglalantad sa talento ng mga Pinoy, ay isusunod agad ang Tasya Fantasya ng TV5 at Viva Entertainment.

Dalawang magkasunod na bagong programa ang ihahandog ng TV5, isang bagong paghamon para kay Mark Neumann, ang habampanahon naming aalalahanin bilang Tak-Gu ng Baker King.

Nu’ng huli naming makita si Mark sa TV5-Reliance ay hindi na namin masyadong pinansin ang kanyang hitsura, sanay na kaming makita ang kanyang kaguwapuhan, ang mas lumaki niyang pangangatawan ang mas binigyan namin ng atensiyon.

“I always go to the gym, I want to be fit,” simpleng sabi ng guwapong tisoy. Ang pananatili ng magandang kalusugan niya ang dahilan ng pagpunta niya sa gym at hindi ang mas pagpapalaki pa ng kanyang katawan.

Si Mark ang leading man ni Shy Carlos sa Tasya Fantasya, isang palabas na siguradong susundan-tututukan ng mga bata, pero magugustuhan din ng mga may edad na naniniwala sa mga pangarap na nagkakaroon ng katuparan.

“Masaya kami sa set, para kaming naglalaro lang. Walang pagod, walang stress, I’m with the company of professional actors,” sabi pa ni Mark. Nahasa na nang husto ang pananagalog ng binata, maraming salamat sa Wattpad Presents kung saan siya nabibigyan ng iba-ibang roles, naging matibay na pundasyon ang nasabing programa sa kagustuhan niyang mawala ang kanyang British accent.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending