Alden, Julie Anne sabay nagpunta sa burol ni Caloy Loyzaga; alang AlDub fans nagalit | Bandera

Alden, Julie Anne sabay nagpunta sa burol ni Caloy Loyzaga; alang AlDub fans nagalit

Alex Brosas |February 04,2016
facebook
share this

Alden, Julie Anne sabay nagpunta sa burol ni Caloy Loyzaga; alang AlDub fans nagalit

Alex Brosas - February 04, 2016 - 02:00 AM

alden richards

ALDUB fans seemingly get affected even if baseless ang rumors about their idols. Learned that some of them got pissed off when rumors surfaced na si Julie Anne San Jose ang kasama ni Alden nang dumalaw siya sa burol ng tatay nina Theresa at Bing Loyzaga recently.

Affected much ang fans kaya naman ang isa nilang kampon ay talagang naglakas ng loob para tanungin si Janno Gibbs kung kailan nagpunta si Alden at kung true nga na kasama ni Alden si Julie Anne when he visited the wake of basketball legend Carlos “Caloy” Loyzaga.

“Saturday ito after Eat Bulaga. Sabi ko nga kung pagod na siya maiintindihan namin…kasi napanood ko Kalye Serye…ang hirap ng eksena nila. Pero dumaan parin siya. Kasama si Ms. Malou ng EB,” sagot ni Janno sa fan.

Teka, kung si Julie Anne man ang kasama ni Alden ay ano naman ang masama? ‘Wag ninyong diktahan kung sino ang gustong isama ng idol ninyo sa mga lakad niya. Ang gusto n’yo palang mangyari, kailangan ay may approval ninyo ang sinumang gustong isama ni Alden?

“Hello Alden! In case you haven’t realized it yet – AlDub Nation is your girlfriend – jealous, possessive, demanding and creepy. Not exactly the kind of gf you want, eh?” said one fan sa isa popular website.

“Dyusko ang mga fantards at adn fakers naghalo halo na. Negativity all around. Alden kasi di rin maintindihan kung sakim o ano eh. You could’ve at least stayed a lil more longer sa reception then saglit din sa wake para okay sa mga fans dba.

It’s a big event nga naman for your EB dabarkads na nagbigay sayo ng star power. “Know your priorities din. Hindi lang din kasi ngayon lang nangyari na nasilipan ka ng fans na nagsasarili at parang nakikiride lang talaga.

Eeerr.. Maine can stand alone if kumalas man si Alden,” pagtataray naman ng isang guy kay Alden.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending