Ate Vi hindi na sinamahan si Angel sa pag-iikot sa Asia | Bandera

Ate Vi hindi na sinamahan si Angel sa pag-iikot sa Asia

Ambet Nabus |February 04,2016
facebook
share this

Ate Vi hindi na sinamahan si Angel sa pag-iikot sa Asia

Ambet Nabus - February 04, 2016 - 02:00 AM

vilma santos

Dapat pala ay kasama si dear-idol-friend kumareng Vilma Santos sa Hong Kong at iba pang Asian regions na may nakatakdang screening ang “Everything About Her.”

Pero nang dahil nga sa mga commitments nito sa bansa at ilang biglaang concerns sa kanyang kalusugan ay hindi na ito makaka-join. Kaya si Angel Locsin na lang ang major star na dadalo at makiki-join sa mga Pinoy fans na sabik silang makita at makasamang manood ng naturang hit movie.

“Para bakasyon na rin,” sey pa ng malapit na kaibigan ni Angel na sasama sa dalaga sa mga international screenings ng “Everything About Her.” “Saka baka mas gusto na rin ni Ate Vi na hayaan munang makapag-isip-isip at makapag-muni-muni ng wagas si Gel,” hirit pa ng aming kausap, kaugnay nga ng pinagdadaanan ng aktres at anak ni Ate Vi na si Luis Manzano.

Mga trusted friends and confidante at mga taga-Star Cinema lang ang makakasama ni Angel sa naturang international screenings. Ang co-star naman nilang si Xian Lim ang siyang magiging representative nila sa ilang screening na gagawin sa USA dahil nandoon na rin naman ito this month.

Balitang magte-taping din doon si Xian kasama si Kim Chiu para sa susunod nilang teleserye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending