‘Photo scandal’ nina Arjo at Coco kumalat na sa internet | Bandera

‘Photo scandal’ nina Arjo at Coco kumalat na sa internet

Reggee Bonoan |January 31,2016
facebook
share this

‘Photo scandal’ nina Arjo at Coco kumalat na sa internet

Reggee Bonoan - January 31, 2016 - 02:00 AM

arjo atayde

Trending ang litratong na-post sa social media kung saan kayakap ni Coco Martin bilang si Paloma Picache si Arjo Atayde as Joaquin Tuazon sa FPJ’s Ang Probinsyano. Para raw kasing diring-diri si Arjo sa nasabing litrato.

Agaw pansin din kasi ang caption ng litrato nina Joaquin at Paloma na, “Lumayo ka PALOMA!!! Mahirap na mainlove. Di ako prepared!!!” Sa totoo lang tawa kami nang tawa nang makita namin ito at ito rin pala ang reaksyon ng bawa’t makakita ng litrato.

May mga nagsabing, “Arjo dapat sabihin mo, hindi ako preferred (nagbago ng preference) at karamihan ay nagsabing, ‘may bago ng loveteam sa Ang Probinsyano. Ha-hahaha!”

In fairness, patok na patok si Coco bilang si Paloma kaya mukhang mahirap ng iwan o pantayan ng aktor ang karakter niyang ito dahil lahat ng tanungin namin ay aliw sa kanya.

Ang magagandang aktres ng ABS-CBN ay insecure na kay Paloma tulad nina Angel Locsin na nagsabing, “Mas maganda pa siya sa akin.” Sabi naman ng rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes, “Ang ganda mo, Paloma.”

Super-click talaga si Paloma sa Ang Probinsyano dahil nakamit nito ang pinakamataas na ratings noong Huwebes na 43.7% kumpara sa katapat na programa ng GMA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending