Julia walang kaaway sa Dabarkads; di rin buntis | Bandera

Julia walang kaaway sa Dabarkads; di rin buntis

Ervin Santiago |January 29,2016
facebook
share this

Julia walang kaaway sa Dabarkads; di rin buntis

Ervin Santiago - January 29, 2016 - 03:00 AM

JULIA CLARETE

JULIA CLARETE

WALANG nakaaway si Julia Clarete sa mga Dabarkads ng Eat Bulaga at lalong wala raw siyang nagawang kasalanan sa noontime show ng GMA kaya siya biglang nawala.

Sa interview ng GMA, ipinaliwanag ni Julia kung bakit siya nagdesisyong umalis na muna sa Eat Bulaga kasabay ng pag-amin na sobrang nahirapan siyang iwan ang show dahil halos 10 taon nga siyang naging bahagi nito.

Sey ng TV host-actress, mas pinili niyang mag-concentrate muna sa kanyang personal na buhay, lalo na ang kanyang pamilya. “Magpa-five years na po kami ngayon (ng boyfriend ko). We decided na maybe we can move on… something that what we have. Mag-level up na kami.”

Kamakailan, nag-post si Julia ng mensahe sa kanyang Facebook account para sa mga Dabarkads na nagtatanong kung bakit wala na siya sa Eat Bulaga. Sinabi niyang naka-base na kasi siya sa Kuala Lumpur, Malaysia pero nangakong babalik din siya – sa tamang panahon.

Mariin ding dinenay ng aktres na buntis siya kaya bigla siyang nagdesisyong umalis ng bansa. Chika pa ni Julia sa nasabing panayam, “I would like to ask everyone to have the same wish for me.

“Imbes po na malungkot kayo, sana po ipagdasal niyo ako na maging buo na po yung desisyon ko, maging masaya ako,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending