Luis nakipag-break na kay Angel; wala nang magaganap na kasalan | Bandera

Luis nakipag-break na kay Angel; wala nang magaganap na kasalan

Cristy Fermin |January 28,2016
facebook
share this

Luis nakipag-break na kay Angel; wala nang magaganap na kasalan

Cristy Fermin - January 28, 2016 - 02:00 AM

angel locsin

Maraming nalungkot at nanghinayang sa paglabas ng kuwentong nag-break na rin sina Luis Manzano at Angel Locsin Dati nang sila, pero nang makipaghiwalay ang aktres sa kanyang nakarelasyong atleta ay nakipagbalikan siya kay Luis, tumagal nang tatlong taon ang kanilang relasyon.

Ayon sa aming source ay naging maganda at maayos pa ang mga huling linggo ng kanilang relasyon. Nagbakasyon sila sa ibang bansa, kasama nina Luis at Angel ang kani-kanilang pamilya, pero pagkatapos pala nu’n ay saka naman sila maghihiwalay.

“Si Luis ang nakipag-break,” sabi ng aming impormante. Kung anu-ano ang mga dahilan ay hindi na idinetalye pa ng aming source, pero meron itong binitiwang pahimakas sa bandang huli, “Hindi naman puro ganda lang ang lahat-lahat.

Siyempre, napakaimportante rin ng attitude.” Nang pumutok ang balita ay hindi pa raw alam ni Governor Vilma Santos ang naganap sa kanyang anak at inaasahang mamanugangin na. Hindi pa raw nakikipag-usap si Luis sa Star For All Seasons.

Tunay namang nakapanghihinayang ang kanilang paghihiwalay dahil nitong mga huling buwan ay ang pagpapakasal na ang pinag-uusapan tungkol sa kanila.

Sumasagot na sila kapag tinatanong kung ilang anak ang gusto nila, kung anong klase ng paghahanda sa kasal ang kanilang ginagawa, pagkatapos ay sa wala rin naman pala ‘yun mauuwi.

Wala pang nagsasalita sa magkabilang panig, tahimik na tahimik pa sila ngayon, puwedeng umaasa pa sila sa posibilidad ng pagbabalikan o basta na lang nila hindi pag-uusapan ang nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending