Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa Politika! – Gov. Vilma

By Julie Bonifacio January 28,2016
share this

Ayoko munang pag-usapan ang tungkol sa Politika! – Gov. Vilma

By Julie Bonifacio January 28,2016
share this

vilma santos

KINOREK ng Star for All Seasons at Batangas Gov. Vilma Santos ang sinulat namin tungkol sa kawalan niya ng partisipasyon sa Rigodon de Honor sa Lipa City pagkakita niya sa amin after niyang mag-promote ng bago niyang pelikula na “Everything About Her” sa It’s Showtime last Saturday.

Knowing Gov. Vi na 18 newspapers meron araw-araw, nabasa niya for sure sa kolum namin dito sa BANDERA ang tungkol sa pakakaetsapwera niya this year bilang tagapamuno sa yearly event na Rigodon de Honor tuwing fiesta sa Lipa.

Nasulat kasi namin na based on our souce na si Gov. Vi daw ang laging nangangasiwa sa Rigodon de Honor sa loob ng 18 taon niyang paglilingkod bilang public servant sa lalawigan ng Batangas.

“Simula nu’ng hindi na ako Mayor, hindi na talaga ako ang nag-aayos niyan. Kapag Mayor ka lang ikaw ang nag-aasikaso ng mga ball. But I am always invited kasi as the Governor. Pero ito lang hindi na kasi syempre eleksyon, e,” paglilinaw ni Gov. Vi.

No wonder ang misis ng nakaupong Mayor ng Lipa ang diumano’y naging punung-abala sa naturang event. At the same time, tatakbo rin daw bilang Congresswoman ng Lipa ang misis ni Mayor ngayong halalan.

But how true na hindi rin inimbitahan si Ate Vi sa Rigodon de Honor to think siya pa naman ang itinuturing na “ina” sa lalawigan ng Batangas? “Hindi,” pagkumpirma ng aktres. “Pero hindi naman kasi…I’m also busy with the promo of my movie.

But hindi ako ang nag-aasikaso niyan, it’s always the Mayor,” diin pa niya. Deadma na lang din si Gov. Vi kung hindi man siya naimbitahan sa Rigodon de Honor sa taong ‘to kahit siya pa ang pinakamataas na punung-bayan sa Batangas ngayon. “Hindi…wala. That’s minor.

Hindi ko pinapansin ‘yung mga ganyan.” Kung wala lang kay Gov. Vi ang ‘di pag-imbita sa kanya sa event, ‘di naman maiaalis isipin especially ng kanyang supporters na may bahid politika ang mga pangyayari.

“Wala, hindi ko iniisip ‘yon,” kasunod ang buntong-hininga niya. “I don’t want to even talk about politics, ‘di ba? My concentration now is matapos ito (movie niya) and then at the same time pagpasok naman ng local campaign, then, we just campaign.”

Itinanggi rin ni Gov. Vi na dumalo siya sa kasabay na event ng Rigodon de Honor na pinamahalaan naman daw ng Vice Mayor ng Lipa na kapartido niya. “No, no, no. I did not,” sabi pa niya. “We will concentrate more on, it’s the old, ‘yung mga proyekto ko naman na ginagawa doon ngayon ay ginagawa ko rin sa buong Batangas, oo.

Kaya lang mas nagiging visible ako doon kasi nga naka-file ako for Congress. ‘Yun ‘yon.” Nakalatag na raw lahat ng gagawin niya para sa kanyang kampanya bilang Congresswoman ng Lipa City.

Pero tatapusin muna niya ang pagpapalabas ng “Everything About Her” kung saan kasama niya sina Angel Locsin at Xian Lim. Puring-puri naman ni Ate Vi si Angel sa pelikulang ito, “I’m not saying this because she is Luis’ girlfriend.

She is one person whom I truly respect. I saw how focused Gel was with her work.” Ngayon pa lang ay may apat na block screenings na agad ang kanyang solid Vilmanians na naka-schedule for “Everything About Her.”

Magaganap ang unang block screening ng mga Vilmanians for “Everything About Her” sa Dolphy Theater ng ABS-CBN ngayong araw .

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending