Ate Vi sa bagong Darna: Dapat hindi siya payat!

By Ervin Santiago January 26,2016
share this

Ate Vi sa bagong Darna: Dapat hindi siya payat!

By Ervin Santiago January 26,2016
share this

vilma santos

KUNG may isang tao na may karapatang mamili kung sino ang perfect na gumanap bilang bagong Darna, ‘yan ay walang iba kundi si Vilma Santos na ilang beses nang gumanap sa karakter ng iconic Pinay superheroine.

Lahat ng Darna movies na pinagbidahan ni ate Vi ay pumatok sa takilya. Kaya kung siya ang pipili ng next Darna, kailangan daw yung hindi mahina ang loob, at hindi rin daw pwede ang payat.

“Kailangan yung lalabas, voluptuous. Hindi naman kailangan na sexing-sexy,” chika ni Ate Vi sa isang panayam.  Dagdag pa ng “Everything Abou Her” star kailangan din daw na ang susunod na Darna ay, “Believable, na kapag may sinuntok, tutumba.

Kailangan yung pwedeng paniwalaan na pag kinalaban mo, kaya niya, kahit babae. “Hindi kailangan puro ganda. Yung image niya na she can protect anybody and everybody,” aniya pa.

Kung matatandaan, unang gumanap na Darna si ate Vi noong 1973 sa pelikulang “Darna and the Giants”. Sinundan pa ito ng “Darna vs The Planet Women” noong 1975 at “Darna At Ding” noong 1980.

(Larawan mula sa Vilma Santos fanpage)

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

TODAY'S ISSUE OF BANDERA
What's trending