Angelica, Lloydie totoong hiwalay na pero hindi si Bea ang dahilan | Bandera

Angelica, Lloydie totoong hiwalay na pero hindi si Bea ang dahilan

Ervin Santiago |January 25,2016
facebook
share this

Angelica, Lloydie totoong hiwalay na pero hindi si Bea ang dahilan

Ervin Santiago - January 25, 2016 - 02:00 AM

john lloyd cruz

TATLONG linggo na lang ang Pangako Sa ‘Yo sa Primetime Bida ng ABS-CBN. At ngayon pa lang ay talagang atat na atat na ang mga manonood kung ano nga ba ang magiging en-ding nito.

Noong Biyernes, ipinalabas na ang teaser ng season finale ng PSY pagkatapos ngang umere ang nakagugulantang na episode kung saan pinatay na ni Claudia (Angelica Panganiban) si David (Diego Loyzaga) matapos nga nitong mabuko na wala ng amnesia ang nanay ni Angelo (Daniel Padilla).

As expected, humataw sa rating ang nasabing PSY episode kasabay ng pagiging trending topic nito sa social media. Sa nationwide TV audience rating nito base sa Kantar nakakuha ang serye ng 31.2 percent.

Bukod pa yan sa pananatili ng serye nina Daniel at Kathryn Bernardo sa listahan ng most-watched TV programs sa bansa. Ano nga kaya ang susu-nod na magaganap ngayong pinatay na ni Claudia si David sa mismong ospital kung saan ito naka-confine dahil sa cancer.

Nalaman na kasi nito na wala na siyang amnesia at handa na uling maghiganti laban kay Amor Powers (Jodi Sta. Maria). Nabuking na rin ni Claudia na si Yna (Kathryn) at ang inakala niyang anak ni Amor na si Maria Amor na matagal ng patay ay iisa lang pala.

Hindi n’yo tiyak kakayanin ang mga susunod na gagawin ni Claudia para paghigantihan sina Amor, Yna at Eduardo (Ian Veneracion). Magkaroon pa kaya ng happy ending ang pagmamahalan nina Amor at E-duardo? Ano na ang mangyayari kina Angelo at Yna nga-yong abot-impiyerno na ang galit ni Claudia?

Sino ang kaila-ngang magbuwis ng buhay para maging matahimik na ang buhay nila? Mula pa rin sa Star Creatives, ang Pangako Sa ‘Yo ay napapanood gabi-gabi sa Primetime Bida after FPJ’s Ang Probinsyano.

Samantala, muling lumutang kahapon ang balitang totoong break na sina Angelica at John Lloyd Cruz. Ayon sa chika last week pa hiwalay ang dalawa pero maayos naman daw ang kanilang break-up and that they still remain friends.

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending