Plunder case ni Napoles at Reyes umusad na | Bandera

Plunder case ni Napoles at Reyes umusad na

Leifbilly Begas |January 20,2016
facebook
share this

Plunder case ni Napoles at Reyes umusad na

Leifbilly Begas - January 20, 2016 - 05:09 PM

janet napoles
Sinimulan na kahapon ng Sandiganbayan Third Division ang pagdinig sa kasong plunder nina Janet Lim Napoles at Gigi Reyes, ang dating chief of staff ni Sen. Juan Ponce Enrile.
Umupo sa witness stand si Marina Sula, ang property custodian ng JLN Corp., at itinalagang pangulo ng Massaging Ani Para sa Magsasaka Foundation Inc., na isa sa mga non-government organization umano ni Napoles na ginamit upang makakuha ng pork barrel fund ng mga mambabatas.
Inutusan umano siya at si Merlina Sunas na mag-isip ng pangalan ng mga NGO na kanilang ipalilista sa Securities and Exchange Commission para makakuha ng pork barrel fund.
Kinuwestyon naman ng kampo ni Napoles ang pagdaraos ng dalawang araw na pagdinig kada linggo sa kaso.
Sinabi ni Atty. Stephen David na parang minamadali ng korte ang kaso dahil ang ibang kaso naman ay ginagawa ng isang beses lamang kada linggo.
Inakusahan si Napoles na kumita ng malaki sa pagkuha ng pork barrel fund ng mga mambabatas na binibigyan umano niya ng kickback kapag napupunta sa kanyang NGO ang kanilang pondo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending