No placement fee sa domestic helper | Bandera

No placement fee sa domestic helper

Susan K |January 20,2016
facebook
share this

No placement fee sa domestic helper

Susan K - January 20, 2016 - 03:00 AM

SUSPENDIDO ang isang employment agency sa Hong Kong matapos ipahinto ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang pagkuha nito ng mga Pinoy domestic workers.

Ayon kay POEA Administrator Hans Leo Cacdac, labis-labis na paniningil ang kaso nito sa may 76 na OFW na kinuha nila patungong Hong Kong.

Hindi pa pinangalanan ang naturang ahensiya habang inihahanda ang pormal na reklamo laban dito.
Ipinagbigay-alam din ni Labor Attache’ Ma. Nena German mula sa Philippine Consulate kay Cacdac ang ahensyang kakutsaba ng agency sa Hong Kong upang maimbestigahan din ito. Naniningil umano ito ng P23,000 placement fee at P9,000 training fee.

Samantalang ang HK agency naman ay kumukolekta ng 7,500 HKD at hindi nag-iisyu ng kaukulang resibo.

Ayon sa batas ng Hong Kong, 10 percent lamang ng sahod ng mga OFW ang puwedeng singilin ng mga recruitment agency doon. At mas maliwanag din ang batas ng Pilipinas na walang babayarang placement fee ang isang OFW bilang domestic worker.

Umaasa ang Bantay OCW sa positibong resulta ng imbestigasyon nito.

Dati rati, nakakasabay pa natin sa HK airport ang ilang OFW na nagdadala pa nga ng cash pambayad sa agency doon. Malaking halaga ang bitbit nila. Tulad na lamang ng isa nating kababayan galing sa Visayas region, may dala siyang P40,000.

Kaagad nating naireport sa Konsulado ng Pilipinas ang naturang insidente at mabilis naman silang kumilos at nasalba ang kababayang nabiktima na sana.

Isa pa, hindi dapat nagdadala ng malaking halaga ang ating mga OFW. Kung lalampas sa P10,000 dapat idinedeklara nila iyon. Sa kaso ng ating kababayan, hindi umano niya ginawa iyon, una, dahil hindi raw niya alam, ngunit higit sa lahat, nangibabaw sa kaniya ang takot na hindi siya makaalis at makuwestiyon lamang ng husto sa airport.

Mabuti na lamang at napansin natin siyang mukhang tulala at wala sa sarili paglapag ng eroplano sa Hong Kong. Kaya minabuti nating tanungin siya nang tanungin. Noong una ay ayaw niyang sumagot pero bandang huli, nagtapat na rin siya at umamin na pinagdala siya ng malaking halaga ng pera pambayad daw niya ng placement fee sa HK agency niya.

Nalalaman lang ng awtoridad ang ganitong klase ng mga kaso kung may nagrereklamo. Maging mabilis sanang magreklamo ang ating mga kababayan.

Huwag kayong matakot. At huwag sanang magpaloko at magpabiktima sa mga recruiter sa Pilipinas.

Magtanong at magsumbong dahil hindi na pupuwede ngayon ang mga linyang “Hindi ko alam ‘yan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Si Susan Andes a.k.a Susan K. ay napapakinggan sa Radyo Inquirer DzIQ 990 AM mula Lunes hanggang Biyernes, alas 10:30 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali; audio/video live streaming: www.ustream.tv/channel/dziq Helpline: 0998.991.BOCW Website: bantayocwfoundation.org at maari ring sumulat sa amin sa [email protected]/ [email protected]
Bantay OCW Foundation satellite office: 3/F, 24H City Hotel, 1406 Vito Cruz Extension cor. Balagtas St., Makati City Tel:+632.899.2424

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending