Quantcast

Luis nagrebelde, laging lasing, napasama sa maling barkada

Angel walang reklamo kahit ilang beses nasapak ni Vilma sa ‘Everything About Her’

By

vilma santos

NALAMAN ng entertainment press sa “Everything About Her” presscon kamakailan na minsan sa buhay ni Luis Manzano ay naging pasaway din siyang anak.

Sa nasabing pelikula nina Batangas Gov. Vilma Santos-Recto, Xian Lim at Angel Locsin ay natanong ang Star For All Seasons kung nagkaroon din sila ng conflict ng panganay niyang anak tulad ng karakter nila ni Xian sa movie.

Diretsong inamin ni Ate Vi na dumaan si Luis sa pagrerebelde noong edad 18 o 19 ito. Lagi raw lasing noon si Luis kaya tinanong niya kung anong problema at agad siyang sinagot ng, “Because I don’t know what I want in life!”

Para kay Ate Vi ay dumaraan talaga sa buhay ng tao ang ganu’ng problema at nasa sa tao na ito kung paano niya iha-handle. At dahil nagrebelde si Luis ay tinanong kung nag-drugs din ang aktor.

“Hindi ko alam, eh. Pero dumaan siya sa pag-inom, nagkaroon ng masamang barkada. But I am very proud. Look at Lucky now, ‘di ba? And the good thing is, he was able to survive.

“Naka-guide lang kami sa kanya, but he was able to survive by himself with the guidance of the parents. So, I’m very proud of my son,” paliwanag ng aktres.

Oo nga naman, ang ganda ng buhay ngayon ni Luis, akalain mo bossing Ervin, may ganu’ng drama pala ang TV host-actor noong kabataan niya and take note, hindi natin ito nabalitaan, huh? Hmmmm, kuwentuhan nga tayo minsan Luis?

Samantala, sa “Everything About Her” ay sosyal si Gov. Vilma dahil branded bag lang naman ang sinukahan niya at kuwento ni Binibining Joyce Bernal ay totoong mamahalin ang bag ang ginamit sa movie dahil may certificate pa ito.

Dalawang branded bags ang binanggit sa pelikula kaya ang biro kay Ate Vi ay kung nalinis na ba ito? Sana raw ay ipina-raffle na lang ito sa presscon. Samantala, natanong din ang Star for All Seasons kung ipamamana niya ang mga mamahalin niyang bags kay Angel kapag ikinasal na ito kay Luis dahil wala naman siyang anak na babae.

Natawa si Ate Vi sabay sabing, “Hindi naman kaya mas maraming ganito si Angel kesa sa akin?” natawang sabi ng actress-politician sabay dialogue ng, “Why not?” Puring-puri naman ni Ate Vi si Angel dahil talagang tutok ang konsentrasyon nito sa karakter niya sa pelikula at higit sa lahat, bukas ang dalaga namatuto pa.

Inamin ding ilang beses nasapok ni Ate Vi si Angel sa pelikula kaya naman panay ang dispensa niya pagkatapos ng bawa’t eksena. Katwiran naman ni Angel nu’ng tanungin siya tungkol sa mga “pananakit” ni Ate sa kanya, “part of the job po, Sir! Ha-hahaha!”

Sabay sabi ng dalaga, “Maalaga naman po siya, si Tita (Vilma) po, sanay na sanay siya. Ganito po kasi ‘yan. ‘Pag bago ‘yung artista, walang kontrol. ‘Pag si Tita, ang galing niya magkontrol. Pero makikita mo pa rin sa mukha niya at sa katawan niya na parang ang sakit-sakit, pero alagang-alaga po ‘yon.

“At magsasabi pa siya every after ng take, ‘O, Gel, are you okay? Pasensya ka na, ha?’ Everytime po ‘yan,” kuwento pa ng girlfriend ni Luis.  Totoong iningatan daw ni Ate Vi ang pananapok kina Angel at Xian, kaso pinapaulit daw lagi ni Direk Joyce, “‘Yung totoo, iniingatan ko sila, kasama rin si Xian.

Kina-cut ni direk. Gusto niya, sapukin mo talaga. Siyempre, ayoko ring masaktan si Gel, pero pinapaulit ni direk, eh. Gusto niya, ‘yung may gigil talaga, may sabunot.” Kuwento naman ni Angel kay Ate Vi bilang co-actor, “Very blessed po kami na ‘yung lead actress po namin, eh nakikipagtulungan sa amin.

Hindi siya sumasapaw and even sa scenes na nakatalikod siya sa kamera, tumutulo pa rin ‘yung luha niya. Ganu’n po siya magsuporta. “Kaya po hindi ko masabing tagisan ng akting. At wala po akong binatbat sa akting ni Tita Vilma.

Walang-wala po talaga! Ang gusto ko lang po, hindi mapagalitan ni direk, magawa ko ‘yung instructions at maitawid ko nang maayos ‘yung scene. “‘Yun lang po ang concern ko because ang priority ko po kasi, kung anong ikagaganda ng pelikula.

Ayoko ‘yung ako ‘yung hahatak pababa. “Kasi, sayang eh. Ang lalaki ng mga kasama ko at ang laking project. ‘Yun lang po ‘yung gusto kong isipin,” paliwanag ni Angel. Mapapanood na ang “Everything About Her” sa Enero 27 handog ng Star Cinema.

Complete stories on our Digital Edition newsstand for tablets, netbooks and mobile phones; 14-issue free trial. About to step out? Get breaking alerts on your mobile.phone. Text ON INQ BREAKING to 4467, for Globe, Smart and Sun subscribers in the Philippines.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

To subscribe to the Philippine Daily Inquirer newspaper in the Philippines, call +63 2 896-6000 for Metro Manila and Metro Cebu or email your subscription request here.

Factual errors? Contact the Philippine Daily Inquirer's day desk. Believe this article violates journalistic ethics? Contact the Inquirer's Reader's Advocate. Or write The Readers' Advocate: c/o Philippine Daily Inquirer Chino Roces Avenue corner Yague and Mascardo Streets, Makati City, Metro Manila, Philippines Or fax nos. +63 2 8974793 to 94





TODAY'S ISSUE OF BANDERA

Advertisement