Angel hindi pa sure sa Darna: Mas mahalaga ang health, gusto ko rin namang magka-baby! | Bandera

Angel hindi pa sure sa Darna: Mas mahalaga ang health, gusto ko rin namang magka-baby!

Ervin Santiago |January 19,2016
facebook
share this

Angel hindi pa sure sa Darna: Mas mahalaga ang health, gusto ko rin namang magka-baby!

Ervin Santiago - January 19, 2016 - 02:00 AM

angel locsin

Hindi pa rin pala sigurado si Angel Locsin kung siya pa rin ang lilipad bilang Darna sa gagawing movie version nito ng Star Cinema. Top priority pa rin ng aktres ang kanyang kalusugan kaya ayaw niya itong makompromiso.

Inamin niyang gustung-gusto pa rin niyang gawin ang “Darna” movie pero kailangan niyang unahin ang pagpapagaling ng kanyang spine. Sa presscon ng latest movie niyang “Everything About Her” kasama sina Vilma Santos at Xian Lim, ayaw magsalita nang tapos ni Angel tungkol sa nasabing proyekto na ididirek ni Erik Matti.

“Naku po, ako po talaga? nakita niyo naman po ang interview ko po sa Abunda Tonight. Noong sinabi ko po na hindi po ako magda-Darna? ako po kasi, nagpapagaling pa po. Not for anything else, kung sakali, kung sakali po, tingnan natin.

“Kasi kailangan healthy lang po ako, gusto kong magka-baby sa future rin,” chika pa ni Angel.
Nang hingan ng komento tungkol sa survey na isinagawa kung saan siya pa rin ang number one choice ng madlang pipol, “Ako raw po ba? Kinikilig ako kasi alam niyo pong mahal ko po talaga ang project.”

Sa ngayon ay okay na raw ang kundisyon ng kanyang likod matapos siyang sumailalim sa surgery, pero kailangan pa raw ng mahabang therapy para tuluyang gumaling ang kanyang spine.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending