Binay na-boo sa Cebu | Bandera

Binay na-boo sa Cebu

Leifbilly Begas |January 17,2016
facebook
share this

Binay na-boo sa Cebu

Leifbilly Begas - January 17, 2016 - 04:51 PM

Binay

Binay


Matapos umangat ang rating sa huling survey ng Social Weather Station, na-boo naman si Vice President Jejomar Binay sa pagpunta nito sa Sinology Festival sa Cebu kahapon.
At para sa tagapagsalita ng Team Daang Matuwid na si Akbayan Rep. Barry Gutierrez patunay lamang ito na hindi pa limot ng taumbayan ang mga isyu ng katiwalian na hindi pa rin sinasagot ni Binay hanggang ngayon.
“(Patunay ito) na puwede mong takbuhan ang isyu ng korupsyon pero aabutan ka pa rin ng hatol ng taumbayan,” ani Gutierrez.
Kahapon, pumunta si Binay sa Cebu City Sports Center para sa pagdiriwang ng Sinology Festival.
Nag-boo umano ang mga tao sa look ng ipakilala si Binay ng suspendidong si Mayor Mike Rama sa pagbubukas ng Sinulog Grand Parade.
Lalo umanong lumakas ang pag-boo kay Binay ng magsalita ito. Hindi naman pinahaba ni Binay ang kanyang talumpati.
Pinag-uusapan sa Senado kung muling bubuksan ang pagdinig sa alegasyon laban kay Binay. Hindi dumalo si Binay sa mga nonage pagdinig ng Senado upang magpaliwanag at iginigiit na ito ay pulitika lamang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending