Coco gagawin lahat para di mapahiya kay FPJ | Bandera

Coco gagawin lahat para di mapahiya kay FPJ

Ervin Santiago |January 15,2016
facebook
share this

Coco gagawin lahat para di mapahiya kay FPJ

Ervin Santiago - January 15, 2016 - 03:00 AM

COCO MARTIN

COCO MARTIN

SIGURADONG mas magiging exciting naman ang mga susunod na eksena sa number one primetime series ng bansa na Ang Probinsyano sa ABS-CBN na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Mapapanood na ang pagpapanggap niya bilang babae sa pagpapatuloy ng serye na napapanood after ng TV Patrol. Sabi nga ng kanyang fans, ang ganda-ganda ni Coco pag naging babae, pwedeng-pwedeng sumali sa mga beauty contest.

Gagamitin na nga ni Cardo (Coco) ang kanyang alindog habang nakabihis-babae upang mahuli ang sindikatong sangkot sa pagkawala ni Carmen (Bela Padilla).

Matapos ngang mapasakamay ni Olga (Gina Pareño) si Carmen, determinado si Cardo na hawakan ang kaso ng prostitusyon at alamin kung sino ang namumuno ng operasyon nito. At para mas maimbestigahan ang kaso, magpapanggap si Cardo bilang si Paloma.

Magamit kaya ni Paloma ang kanyang ganda upang maligtas si Carmen at ang iba pang biktima ng sindikato? Huwag palampasin ang mga maaaksyong tagpo sa FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN. At siguradong proud na proud ngayon si FPJ kay Coco dahil sa dedication nito sa nasabing serye.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending