Piolo-Lloydie movie pasok sa Berlin Filmfest | Bandera

Piolo-Lloydie movie pasok sa Berlin Filmfest

Ervin Santiago |January 13,2016
facebook
share this

Piolo-Lloydie movie pasok sa Berlin Filmfest

Ervin Santiago - January 13, 2016 - 02:00 AM

piolo pascual

ILALABAN ang pelikula nina Piolo Pascual at John Lloyd Cruz na “Hele Sa Hiwagang Hapis” sa 66th Berlin Film Festival. Ito ay idinirek ni Lav Diaz kung saan gumanap si Lloydie bilang si Isagani, isa sa mga sikat na karakter sa nobela ni Jose Rizal na “El Filibusterismo”. Si Piolo naman ang gumanap na Simon.

Kasama rin sa movie si Sid Lucero na gumaganap bilang si Basilio, na hango naman sa isang karakter sa “Noli Me Tangere” ni Rizal.  Sa official website ng Berlinale, lalahok ang nabanggit na Lav Diaz film with international title na “A Lullaby to the Sorrowful Mystery” na sinasabing co-production ng Pilipinas at Singapore.

Mapapanood din sa pelikula sina Alessandra de Rossi, Susan Africa, Ely Buendia, Angel Aquino at Cherie Gil. Nabatid na ang three-time Academy Award winner na si Meryl Streep ang magsisilbing jury president sa 66th Berlinale na nakatakdang maganap simula sa Feb. 11 at tatagal hanggang Feb. 21.

Sa isang panayam sinabi ni Piolo na tinanggap niya ang nasabing proyekto dahil bukod sa muli silang magkakatrabaho ni Lloydie ay naniniwala siya sa ganda ng materyal, at siyempre, isang malaking karangalan ang maidirek ng isang Lav Diaz.

Huling nagkasama sa isang proyekto sina Piolo at JLC noong 1998 sa seryeng Sa Sandaling Kailangan Mo Ako, “More than the competition, it’s complementing each other and helping each other to make the scene work. I mean, we’ve reached that point where it’s not about us, it’s about Lav’s movie,” ani PJ.

Speaking of Piolo, kahapon nag-celebrate ng kanyang 39th birthday ang aktor at in fairness, sandamakmak na pagbati ang nabasa namin sa social media mula sa mga kaibigan niyang celebrities.

Una na nga riyan ang isa sa mga bestie ni PJ sa showbiz na si Angelica Panganiban na nakasama na niya sa ilang proyekto ng ABS-CBN.  “Sino bang magaakala na kakaibiganin mo ko? Si Piolo Pascual ka kaya!! Minsan mahirap na paniwalaan ‘yung kabutihan mo eh.

“Grab mo na ang araw na ‘to, para maisip mo kung gaano ka kahalaga sa aming mga kaibigan mo. At gusto ko lang i-announce, dahil proud ako, na kaibigan mo ko. Napaka OA mong mag-alaga ng kaibigan!! Am a lucky gurl.

Everyday ka naman masaya, pero sana maging extra happy at special ang birthday mo this year,” ang mensahe ng dyowa ni Lloydie kay Piolo na idinaan niya sa Instagram.

Sey naman ni Maja Salvador, “Happy happy birthday My Papa P!!! Walang magbabago ikaw pa rin ang number 1 ko! Alam ko namang masaya ka kaya sana mas mapasaya pa kita! Alabyu!”

Pati ang dating ka-loveteam ni Piolo na si Claudine Barretto ay meron ding birthday greeting, anang aktres, “Happy happy birthday @piolo_pascual!” Na-touch naman ang followers ni Piolo sa mensahe ng kanyang anak na na si Inigo para sa kanyang 39th birthday.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Narito ang kabuuan ng birhday greeting ni Inigo sa kanyang tatay. “Happy Birthday to my Role Model. Thank you for for being a light in the dark. “You left left big footsteps for me to follow. Here I am trying my best to fill em in.

Thank you for guiding me through it. And for never giving up on me. As I make my own path I know you will forever be there to make sure I am safe and doing the right thing. I love you pa. Happy Birthday.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending