Coco walang arte, game na game nang gawing girl sa serye | Bandera

Coco walang arte, game na game nang gawing girl sa serye

Alex Brosas |January 13,2016
facebook
share this

Coco walang arte, game na game nang gawing girl sa serye

Alex Brosas - January 13, 2016 - 02:00 AM

coco martin

When it comes to charity ay maaasahan talaga itong si Coco Martin. Just recently, namahagi ng tulong si Coco sa fire victims sa Tondo, namigay siya ng relief goods.

Nakita namin sa social media ang photos ni Coco kasama ang nabiktima ng sunog at talaga namang natutuwa kami na on his own volition ay ginagawa niya ito.

Ang isa pang ikinatutuwa namin ay ang walang pakialam na stance ni Coco when it comes to acting. Sa katunayan, walang angal siyang nagbihis-babae sa top rating soap niya na Ang Probinsiyano, para lang magampanan ang kanyang role nang ayon sa inire-require nito.

Coco dressed up as a woman para sa kanyang tungkulin bilang pulis sa Ang Probinsiyano. This guy would stop at nothing to make his portrayal credible.Noong napanood nga namin siya na nagsasayaw habang nagtatrapik sa isang eksena sa Ang Probinsiyano ay talaga namang kinabiliban namin.

Truly, Coco is the best actor of his time. Anyway, Coco’s career is in the upswing lalo na’t bahagi siya ng megablockbuster movie sa MMFF na “Beauty and the Bestie” kasama si Vice Ganda na naka-P472.7 million na sa takilya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending