Mayayamang fans gumastos uli para makahabol ang AlDub sa MMFF | Bandera

Mayayamang fans gumastos uli para makahabol ang AlDub sa MMFF

Alex Brosas |January 09,2016
facebook
share this

Mayayamang fans gumastos uli para makahabol ang AlDub sa MMFF

Alex Brosas - January 09, 2016 - 02:00 AM

aldub vice

Natatawa kami sa nasagap naming chika. Affected much daw ang mga AlDub sa pangunguna sa takilya ng movie ni Vice Ganda, ang “Beauty and the Bestie”, kaya naman daw nagpa-block screening ang mga may kayang fans nina Alden Richards and Maine.

At take note, nationwide raw ang ginawang block screening ng mga ito. Gusto yata nilang ipamukha sa fans nina Coco Martin at Vice na kaya pa nilang kabugin ang “Beauty and the Bestie.”

Kung true ito, aba, grabe nga ang insecurity ng AlDub, ha. Imagine, kailangan pa nila talagang manawagan sa social media para lang magkaisa ang kapwa nila fans.

Mistulang nagmakaawa sila sa isang post sa Twitter kung saan pinakiusapan nila ang ibang AlDub fans na sumugod sa mga sinehan para manood ng movie nina Alden at Maine.

That was a very desperate move, if we may say. Bakit hindi n’yo na lang kasi tanggapin na hindi na kayang patumbahin ng kahit anong MMFF entry ang “Beauty and the Bestie”.

What’s wrong with being second placer? Daang milyon na rin naman ang kinita ng movie ng idol ninyo, malaking achievement na ‘yan para sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending