Cogie busy sa pamamahala sa mga negosyo ng Pamilya; pero babalik pa rin sa Showbiz | Bandera

Cogie busy sa pamamahala sa mga negosyo ng Pamilya; pero babalik pa rin sa Showbiz

Cristy Fermin |January 03,2016
facebook
share this

Cogie busy sa pamamahala sa mga negosyo ng Pamilya; pero babalik pa rin sa Showbiz

Cristy Fermin - January 03, 2016 - 02:00 AM

cogie domingo

Isa si Cogie Domingo sa mga personalidad na kailanman ay hindi nakalilimot. Sa kahit anong uri ng panahon ay nakakaalala siya, nakikipagkita, hindi namin ipagpapalit kahit kanino ang guwapong aktor na ito.

Kahit nasa Amerika siya ay hindi nakalilimot mangumusta si Cogie, kapag may okasyon ay isa siya sa iilan na unang-unang bumabati, pagdating sa pagiging thoughtful ay walang kakabog sa magaling na young actor.

Nu’ng bisperas ng Bagong Taon ay maaga siyang tumawag, nasa mall daw sila ng kanyang girlfriend, taga-Bacolod ang nagpapasaya sa kanya ngayon na si Rhea Sacasas. Alam ng dalaga na meron siyang anak, ang napakagandang si Rhianna na madalas naming makita, walang itinago ang aktor sa kanyang girlfriend.

Isa si Cogie Domingo sa mga batang aktor nu’n na binigyan ng magagandang reviews sa kanyang unang pelikula, nasundan pa ‘yun ng mas maraming proyektong mas nagpalutang sa galing niyang umarte, hanggang sa parang tinabangan na siya sa pag-aartista.

Pero ang magaling na aktor, lumipas man ang mahabang panahon, ay laging naaalala ng industriya. Mahal pa rin ni Cogie ang kanyang pagiging artista pero mas pinili na niyang magnegosyo.

May malaking negosyo ang kanyang abogadong ama na siya ang namamahala. Siya ang pinagkakatiwalaan ng daddy niya hanggang sa pagpapatayo ng malalaking gusali, sa pagpapatakbo ng kanilang mga malls sa iba’t ibang probinsiya, businessman na nga si Cogie Domingo.

Pero ang tulad ni Cogie na nagpakitang-gilas na agad sa pagganap sa unang pagsalang pa lang niya sa “Death Row” ay siguradong babalik at babalik pa rin sa linyang una niyang minahal. Aarte at aarte pa rin si Cogie Domingo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending