Alden, Yaya Dub naghahanda na para sa gagawing Valentine movie sa 2016 | Bandera

Alden, Yaya Dub naghahanda na para sa gagawing Valentine movie sa 2016

Cristy Fermin |December 29,2015
facebook
share this

Alden, Yaya Dub naghahanda na para sa gagawing Valentine movie sa 2016

Cristy Fermin - December 29, 2015 - 02:00 AM

yaya dub

Inilalatag na raw ngayon pa lang ang pelikulang pagtatambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza para sa darating na Valentine’s Day. Kinikilig na ang AlDub Nation, kung matutuloy ang proyekto ay ‘yun ang masasabing pelikula talaga ng AlDub, hindi ang “My Bebe Love” na dagdag-atraksiyon lang sila.

Karagdagang cast na maituturing, pero kailangang tanggapin ng mga bumibidang sina Bossing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas na napakalaki ng naitulong sa takilya ng kanilang mga tagahanga, hindi pinabayaan ng AlDub Nation na maungusan ng ibang entry ang pelikula.

Mas matututukan na ang istorya ng pelikula kung matutuloy ang pang-Valentine’s Day na proyekto nina Alden at Yaya Dub. Sa pinipilahan pa rin kasi hanggang ngayon na “My Bebe Love” ay halatadong idinagdag lang sila sa kuwento.

Pero ibang klase talagang gumalaw ang mga tagahanga ng dalawa, sila ang mga unang sumugod sa mga sinehan nu’ng Pasko, sila ang nagpaingay sa pangunguna ng “My Bebe Love.”

Ano nga ang sabi? Huwag menosin-maliitin ang kapangyarihan ng Aldub Nation. Marami na silang na-patunayan. Wala nang kuwestiyon ang kanilang puwersa. May hihirit pa ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending