Pastillas Girl sa killer ng ina: Sana nakakatulog ka pa! | Bandera

Pastillas Girl sa killer ng ina: Sana nakakatulog ka pa!

Ervin Santiago |December 02,2015
facebook
share this

Pastillas Girl sa killer ng ina: Sana nakakatulog ka pa!

Ervin Santiago - December 02, 2015 - 02:00 AM

pastillas girl

“Sana nakakatulog siya sa gabi sa ginawa niya,” ang mensahe ni Angelica Jane Yap alyas Pastillas Girl sa ginawa nitong pagpatay sa inang si Teresa Hernandez sa Caloocan noong Linggo ng gabi.

Sa isang TV interview, si-nabi ni Angelica na ipinagdasaral nila na sana’y mahuli agad ang killer ng kanyang ina at pagbayaran nito ang kanyang krimeng nagawa, “Sa ngayon pinapaimbestigahan ang nangyari,” anang dalaga.

Bukod sa love angle, hindi pa rin isinasantabi ng otoridad ang anggulong politikal sa pagpaslang sa ina ni Pastillas Girl. Pero para sa dalaga, ayaw muna niyang mag-speculate.

“Actually sa panahon na ito ay mahirap magsabi kung sino o ano ang matibo, kung bakit ginawa ‘yon sa mommy ko. Kasi ang daming angles na pwedeng tingnan pero siyempre ‘yun lang ang gagawin namin.

Magbibigay kami ng information kung ano ang alam namin at kung ano ang totoo para ma-solve,” pahayag nito. Nang tanungin kung paano niya ide-describe ang kanyang nanay na nakatakdang ilibing sa darating na Linggo, “Sa kanya ko namana ‘yung pagiging matapang.

Iyakin siya pero talagang pure heart ang meron ang mommy ko. Wala akong masasabi.” Dagdag pa ni Angelica, nagpapasalamat siya sa lahat ng mga nakiramay sa kanilang pamilya, lalo na doon sa mga netizens na nanghusga sa kanilang mag-ina noon, “Doon siya nag-stand up for me, sa lahat ng nag-judge, sa lahat ng bumatikos sa aming mag-ina.

“Na-appreciate ko ang pakikiramay nila after everything na sinabi nila, natutuwa ako kasi nakikiramay sila para sa amin, para sa mommy ko,” sey pa ni Pastillas Girl.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending