Coco Martin tinawag na baklang manyakis si Vice Ganda | Bandera

Coco Martin tinawag na baklang manyakis si Vice Ganda

Alex Brosas |December 02,2015
facebook
share this

Coco Martin tinawag na baklang manyakis si Vice Ganda

Alex Brosas - December 02, 2015 - 02:00 AM

coco martin

There’s nothing but aliw in the trailer ng Metro Manila Film Festival movie nina Vice Ganda at Coco Martin, ang “Beauty And The Bestie” kung saan kasama rin sina Nadine Lustre at James Reid.

Sobra kaming natawa sa mga eksena, talagang pinagbuhusan ng isip ang mga jokes. Fresh na fresh ang mga punclines, walang pinaggayahan. Ang mas lalong nakakatawa ay ang palitan ng laitan nina Vice at ng dalawang komedyanteng baklita sa isang eksena.

Nakakaloka rin ang one-liner ni Coco kay Vice na “Tibok ng puso ng isang baklang manyakis” dahil feeling niya ay tsinatsansingan siya ni Vice sa eksena. Laugh kami nang laugh sa eksenang iyon.

Anyway, tuwang-tuwa rin ang mga taong nakapanood ng trailer. “Dami tumawa nito sa loob ng sinehan teaser pa lng!” “Tawa ako ng tawa. Hahaha. Grabe Trailer palang yan ah.

Im sure Mas Maganda pag mismong Movie naaaa!” “HAHAHA!! dami kong tawa sa I.D picture ng JaDine at yung Tibok ng puso, ng isang baklang manyakis…laughtrip tlaga.”

“Nakita ko yung trailer na pambato ng kabila! Walang wala sila sa trailer ng beauty and the beastie.. trailer pa lng yan haa.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending