Daniel kay Mar: Swak na swak kaming dalawa! | Bandera

Daniel kay Mar: Swak na swak kaming dalawa!

Ervin Santiago |December 02,2015
facebook
share this

Daniel kay Mar: Swak na swak kaming dalawa!

Ervin Santiago - December 02, 2015 - 02:00 AM

kathryn daniel padilla

DEDMA lang ang Teen King na si Daniel Padilla sa mga pambabatikos sa kanya ng ilang netizens matapos ang ginawa niyang pag-endorso kay dating DILG Sec. Mar Roxas para sa darating na 2016 presidential elections.

Ayon sa isang panayam kay DJ, naiintindihan niya ang magkakaibang reaksiyon ng mga fans nila ni Kathryn Bernardo sa naging desisyon nila na ikampanya si Mar. Nirerespeto raw niya ang paniniwala ng mga kontra sa kanila.

Esplika pa ng Pangako Sa ‘Yo leading man, “Lahat naman may kanya-kanyang opinyon. Hindi naman lahat talagang gusto sa iyo, gusto ang mga desisyon mo. “Lahat tayo may right na bumoto kung sino ang gusto nating iboto.

Kung sino ang gusto nila, kanila yun. Basta ako, kay Sir Mar ako.” Nang tanungin sa nasabing TV interview kung ano ba ang nakapagpapayag sa kanya para iendorso ang mister ni Korina Sanchez, “Kaming dalawa kasi, swak na swak kami.

Yung personalidad namin, pareho. Si Kuya Mar, iba. Napakabait, very humble, very simple. Mabuting tao.” Bukod kay Daniel, binabatikos din si Kathryn ng kanyang mga basher sa social media pero hindi pa rin nagsasalita ang Teen Queen tungkol dito.

Hindi pa rin malinaw kung totoo ang naglabasang chika na kusang umalis at hindi tinanggal si Kathryn sa Iglesia Ni Cristo. Balitang malaya nang maikakampanya ni Kathryn si Mar sa darating na 2016 elections dahil matagal na raw itong wala sa INC.

Hintayin na lang natin ang magiging opisyal na pahayag ni Kathryn tungkol dito.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending