Tour guide pinatay | Bandera

Tour guide pinatay

John Roson |December 01,2015
facebook
share this

Tour guide pinatay

John Roson - December 01, 2015 - 05:09 PM

baguio
Patay ang isang tour guide matapos pagbabarilin ng di pa kilalang salarin sa Baguio City kagabi.

Natagpuan na lang na nakahandusay si Mark Galvin, 35, tubong Cavite, sa Pinewood st., Crystal Cave, Bakakeng Central, dakong alas-9:30, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Sinabi sa pulisya ng isang taxi driver na naglalakad siya sa naturang lugar kasama ang misis, nang makita ang nakahandusay na katawan.

Natagpuan malapit sa bangkay ang isang itim na helmet, apat na basyo ng bala, dalawang itim na sumbrero, at ang bag ng biktima na may lamang personal na gamit at drug paraphernalia, ayon sa pulisya.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang pagkakakilanlan at motibo ng salarin, na sinasabing tumakas patungo sa Crystal Cave Road matapos ang pamamaril.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending