Los Angeles Lakers kinapos sa Indiana Pacers | Bandera

Los Angeles Lakers kinapos sa Indiana Pacers

, |December 01,2015
facebook
share this

Los Angeles Lakers kinapos sa Indiana Pacers

- , December 01, 2015 - 01:00 AM

LOS ANGELES — Umiskor si Kobe Bryant ng 13 puntos mula sa 4-of-20 shooting matapos ideklara na magreretiro na siya sa pagtatapos ng season subalit nakatikim ang Los Angeles Lakers ng ikaanim na sunod na pagkatalo matapos biguin ng Indiana Pacers, 107-103, sa kanilang NBA game kahapon.

Kinamada ni Paul George ang huling 11 puntos ng Pacers sa huling 1:27 ng laro at nagtapos siya na may 39 puntos para sa Indiana na binuksan ang kanilang four-game West Coast road trip sa pagkuha ng ikalimang diretsong pagwawagi matapos sayangin ang 22-puntos na kalamangan.

Nagbuslo si Bryant ng isang 3-pointer may 11 segundo ang nalalabi sa laro para tapyasin ang kalamangan ng Indiana sa isang puntos, 104-103, bago sumablay sa kanyang pantabla sanang tres.

Sa iba pang laro kahapon, pinadapa ng Memphis Grizzlies ang Philadelphia 76ers, 92-84; pinayuko ng Los Angeles Clippers ang Minnesota Timberwolves, 107-99; ginapi ng Phoenix Suns ang Toronto Raptors, 107-102; naungusan ng Houston Rockets ang New York Knicks sa overtime, 116-111, dinaig ng Charlotte Hornets ang Milwaukee Bucks, 87-82; tinalo ng Brooklyn Nets ang Detroit Pistons, 87-83; at tinambakan ng Orlando Magic ang Boston Celtics, 110-91.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending