Kailan kaya magkaka-baby? | Bandera

Kailan kaya magkaka-baby?

Joseph Greenfield |December 01,2015
facebook
share this

Kailan kaya magkaka-baby?

Joseph Greenfield - December 01, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Angel ng Luyuan Pasonanca,
Zamboanga City
Dear Sir Greenfield,

Two years na kaming nagsasama ng ka-live in ko ang problema hanggang ngayon ay wala pa ring ka-ming anak. Bakit kaya hindi ako nabubuntis, gayong sabi ng mga doctor na pinagpa-check-upan namin, wala naman daw may deprensya sa amin ng ka-live in ko. Nais kong malaman kung kailan kaya ako mabubuntis dahil gustong-gusto na naming magka-baby. April 29, 1988 ang birthday ko at September 17, 1987 naman ang birthday ng ka-live in ko?

Umaasa,
Angel ng Zamboanga City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Ayon sa dalawang Children Lines (Illustration 1. arrow 1. at 2.) na malinaw na nakikita sa iyong palad, tiyak ang magaganap sa takdang panahong inilaan ng kapalaran – magkaka-anak na rin kayo sa wakas ng ka-live in mo. Pero dahil nagli-live in palang naman kayo, mas maganda kun magpapakasal kayo kahit civil wedding lang upang ma-ging legal at maging moral ang inyong pagsasama.
Cartomancy:
Seven of Hearts, Six of Hearts at Queen of Clubs ng lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing kung magpapakasal kayo sa susunod na taong 2016, tiyak ang magaganap sa nasabing panahon, mabubuntis ka upang paglipas ng siyam na buwan, isang malusog na babaing sanggol ang unang magiging bunga ng iyong pagmamahalan.

Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending