Karla sa bashers ng KathNiel: Tao lang sila na nasasaktan! | Bandera

Karla sa bashers ng KathNiel: Tao lang sila na nasasaktan!

Ervin Santiago |December 01,2015
facebook
share this

Karla sa bashers ng KathNiel: Tao lang sila na nasasaktan!

Ervin Santiago - December 01, 2015 - 03:00 AM

DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA

DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA

MISMONG ang Queen Mother na ni Daniel Padilla na si Karla Estrada ang nakiusap sa ilang fans ng anak at ni Kathryn Bernardo na sana’y tigilan na ang pangnenega sa desisyon ng KathNiel na iendorso ang presidentiable na si Mar Roxas.

Sa kanyang Instragram account nag-post si Karla ng litraro nina Kathryn at Daniel na kuha sa taping ng Primetime Bida series na Pangako Sa ‘Yo. Makikita rito na parehong umiiyak ang dalawa.

Ayon sa post ni Karla, “Tao rin Ang mga KN’s at nasasaktan din sila lalo na pag napaparatangan sila.

Wala silang ibang hangad kundi ang kabutihan at tagumpay ng KATHNIEL.

“Kaya naiintindihan ko kung may bumubulusok na damdamin para maipagtanggol lamang ang kanilang mga sarili at ang KATHNIEL. Pero mga ANAK, KAPATID, at mga TITA…katulad ng sinabi ko MAS NAGTATAGUMPAY ANG MGA NAGPAPAKUMBABA!

“So stop the HATE NA! MAS MARAMI TAYONG DAPAT NA PAGTUUNAN NG POSITIVE ENERGY DAHIL SA MGA PROJECTS NA NAKALINE UP! YUN ANG PAG HANDAAN NATIN!:))) lLOVE KATHNIEL AND CONGRATULATIONS!!!!”

Samantala, tulad ng inaasahan punumpuno ang Fairview Terraces Mall last Sunday afternoon kung saan ginanap ang Thanksgiving concert ng cast members ng Pangako Sa ‘Yo.

Umaga pa lang ay sumugod na ang sandamakmak na tagasuporta ng KathNiel sa venue, na karamihan daw ay galing pa sa malalayong probinsya. Kaya naman todo-todo ang pasasalamat nina Daniel at Kathryn sa kanilang mga supporters na talagang nag-effort para lang makita sila up close and personal.

Maging sina Jodi Sta. Maria at Ian Veneracion (gumaganap sa serye bilang sina Amor Powers at Eduardo Buenvista) ay tinilian at pinalakpakan ng audience.

Promise nina DJ at Kath, malapit na raw magkrus muli ang landas nina Yna at Angelo kaya huwag na raw malungkot ang kanilang fans.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa ending naman ng Thanksgiving concert ng PSY, maagang Pamasko ang handog ng KathNiel at nina Jodi at Ian sa mga batang nanood sa kanilang mall show.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending