James nakiusap sa bashers: Tigilan na ang pambabastos sa kanila ni Julia | Bandera

James nakiusap sa bashers: Tigilan na ang pambabastos sa kanila ni Julia

Ambet Nabus |December 01,2015
facebook
share this

James nakiusap sa bashers: Tigilan na ang pambabastos sa kanila ni Julia

Ambet Nabus - December 01, 2015 - 03:00 AM

JAMES REID AT JULIA BARRETTO

JAMES REID AT JULIA BARRETTO

GANU’N talaga di ba, kapatid na Ervin? Kapag sikat na sikat na ang isang artista, lahat na yata ng puwedeng gawing tsismis ay ibabato sa kanila para wasakin ang mga imahe sa publiko.

Kaya naman nauunawaan namin ang ngitngit ni James Reid sa mga nagpapakalat ng kung anu-anong malilisyosong chika tungkol sa kanila ni Julia Barretto, lalo na ‘yung isang supposedly JaDine fan na hindi lang napagbigyan ni James sa request nitong picture taking ay itsinismis nang nahuli niyang hinahalikan ng binatang aktor si Julia.

Although dedma si Julia sa isyu lalo na doon sa naghahamon na magpapakita ng mga litratong magpapatunay sa mga kumalat na balita, si James na ang nagsalita at nagsabing tigilan na ang pagpapakalat ng mga kasinungalingan sa social media.

Napakasekswal na kasi ng insinuwasyon ng mga kuwento at para sa isang lalaking lumaki sa ibang bansa, hahangaan mo pa si James sa pagtatanggol sa sarili by saying na hindi niya bababuyin ang kanyang pagkatao sa isang public place.

Saan pa ba namin iuugnay ang mga ganitong tsismis kundi sa hindi mapapasubaliang kasikatan ngayon ni James Reid.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending