Horoscope, November 30, 2015 | Bandera

Horoscope, November 30, 2015

Madam Sophia |November 30,2015
facebook
share this

Horoscope, November 30, 2015

Madam Sophia - November 30, 2015 - 03:00 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Unti-unting matutupad ang mga pangarap, ngunit maraming kumplikadong bagay ang magaganap. Hindi dapat ubusin ang araw sa labis na pagsasaya, maglaan ng oras sa meditation. Mapalad ang 1, 10, 28, 30, 40 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Ne-Pad-Me-Om.” Red at violet ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)—Panahon na upang ngumiting lagi at maging masaya, u-pang lalo pang masagap ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig tuloy ang pakikipag-relasyon sa isang Leo. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Shiva-Om-Durga!” Mapalad ang 3, 15, 19, 24, 34, at 41. Pink at yellow ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Sa pag-ibig, isang Virgo ang may lihim sa iyong pagnanasa, ka-compatible mo siya – sunggaban mo agad upang ikaw ay lumigaya. Sa pinansyal ituloy ang binabalak na negosyong may kaugnayan sa pagkain. Ayos na ayos ang negosyong iyan, nga-yong nalalapit ang kapaskuhan. Mapalad ang 5, 17, 23, 35, 41, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Tetra-Om.” Maroon at beige ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Sa malayong lugar mas matatagpuan ang malakig suwerte at pag-unlad. Sa pag-ibig, kung paanong lagi mo siyang naaalala, ganon din naman siya sa iyo. Sa muli nyong pagkikita walang katulad na romansa ang mararanasan! Mapalad ang 3, 6, 17, 24, 38 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.” Gray at gold ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Upang gumanda ang pasok ng 2016, sa paskong darating hindi lamang ang mga malalapit sa iyo ang dapat mong regaluhan kundi sila ding mga kapos-palad. Kapag nagawa mo yan, susuwertehin ka sa salapi at pag-ibig. Mapalad ang 7, 8, 28, 39, 40 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Ketu-Om.” Gray at blue ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)—Ang elementong apoy at init ang nagbibigay ng magandang kapalaran. Sa pag-ibig romansahin ang kasuyo hanggang sa mag-init muli ang inyong relasyon. Sa pinansyal, sa kalakal na may kaugnayan sa apoy at init, malaking halaga ang kikitain. Mapalad ang 3, 9, 23, 27, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Abra-Ka-Dab-Bra.” Gold at lilac ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)—Wag magpabago-bago ng isip, ang mas mahalaga, makaipon ng maraming pera, upang magamit sa naiisip na negosyo. Sa pag-ibig, tuloy pa rin ang relasyon matagal mo nang balak na takasan. Mapalad ang 9, 18, 27, 33, 42 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Tatha-Yantra-Sakra.” Blue at mint green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Panahon na upang magluto ng pinaka-espesyal na putahe ng ulam. Sa ganyang paraan, susuwertehin at lalong gaganda ang iyong kapalaran. Sa pag-ibig ipagluto rin ng paborito nyong ulam ang kasuyo upang lalo pang lumawig ang inyong pagmamahalan. Mapalad ang 4, 13, 19, 28, 34, at 44. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Yoga.” Green at orange ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Wag umasa sa iba. Sa sariling pagsisikap matutupad mo na rin sa wakas ang matagal mo nang pinapangarap. Sa pag-ibig, sa buwan ng Disyembre may bagong relasyong unti-unting mabubuo habang nagsi-Simbang Gabi. Mapalad ang 1, 2, 19, 23, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Maroon at white ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pinansiyal, pagkilos ang mitsa na magsisindi ng pagyaman. Sa pag-ibig, tuparin ang mga ipinangako sa kasuyo upang hindi ka niya iwanan. Mapalad ang 1, 14, 22, 38, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Kubera-Mayabeeja”. Blue at gray ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Ipagpatuloy ang pagsisipag, malapit na malapit ka ng suwertehin. Pagtuntong ng edad mong 35 pataas, magsisimula ka ng yumaman. Sa pag-ibig may sopresang relasyon mabubuo hatid ng isang Taurus. Mapalad ang 1, 8, 28, 36, 45 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Sha-Ri-Gama-Om.” Red at blue ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)— Wag nang asahang babalik pa ang nakaraan. Ituon ang isipan sa hinaharap. Makuntento sa kasalukuyang minamahal. Sa pinansiyal, mag-invest sa mga produktong may kaugnayan sa butil, tulad ng palay at bigas. Mapalad ang 4, 17, 18, 28, 33, at 42. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum”. Orange at gray ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20)—Aksyon ang dapat upang lumigaya. Wag isip lang ng isip kailangang may aksyon din. Sa pag-ibig, sipagan ang pakikipagniig sa kasuyo upang lalo pang uminit ang relasyon. Mapalad 3, 9, 18, 27, 42 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Migeta-Om-Dosha.” Red at green ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending