P6.7M nakuha sa Bulacan | Bandera

P6.7M nakuha sa Bulacan

Leifbilly Begas |November 29,2015
facebook
share this

P6.7M nakuha sa Bulacan

Leifbilly Begas - November 29, 2015 - 03:13 PM

lotto for site
Isang mananaya sa Bulacan ang nanalo ng P6.7 milyong jackpot prize ng Lotto 6/42 na binola Sabado ng gabi.
Ayon kay Atty. Jose Ferdinand, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang nanalo ay tumaya sa Sapang Palay, San Jose del Monte, Bulacan.
Isa lang ang tumaya sa mga lumabas na numerong 39-19-21-15-7-22.
Nanalo naman ng tig-P23,940 ang 26 mananaya na nakakuha ng limang numero.
Tig-P400 naman ang napanalunan ng 228 mananaya na naka-apat na numero. Balik naman ang P20 taya ng 19,022 mananaya na nakatatlong numero.
Ang 6/42 ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado. Nagkakahalaga ng P20 ang taya sa bawat anim na numerong kumbinasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending