Itinakda ng tadhana | Bandera

Itinakda ng tadhana

Joseph Greenfield |November 29,2015
facebook
share this

Itinakda ng tadhana

Joseph Greenfield - November 29, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Alaiza ng Facoma Subdivision, Valencia, Bukidnon
Dear Sir Greenfield,
Nagkahiwalay kami ng ka-live-in ko, simula ng balikan niya ang kanyang asawa mag iisang buwan na ang nakakaraan. Pero sabi nya sa akin dati ay hindi rin naman daw sila kasal ng asawa nya, nakikisama lang daw siya dito para sa dalawang anak nila. Ang problema ngayon ko lang na-realized na hindi ko pala kayang mabuhay ng wala siya, na nagkataon namang tumawag siya at magulo na naman daw ang buhay nila ng asawa nya may ibang lalaki kasi ang misis nya. Sabi nya iiwan nya uli ang asawa nya at magbalikan daw kami uli? Tama ba ang desisyon ko na makipagbalikan sa kanyang muli? Bukod sa kanya may isa pa akong manliligaw na binata, kaya lang hindi ko siya mahal. Sa palagay n’yo sino sa dalawang lalaking ito ang makakasama ko habang buhay at magbibigay sa akin ng magandang kinabukasan? November 7, 1988 ang birthday ng dating ka live-in ko at October 6, 1988 naman ang manliligaw ko. July 2, 1990 ang birthday ko.
Umaasa,
Alaiza ng Bukidnon
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
Iisa lang ang malinaw na Marriage Line (Illustration 1. arrow 1 at 2.) ang nakikita sa iyong palad. Ibig sabihin kung sino ang unang lalaking minahal mo at pinakisamahan, sa bandang huli siya na rin ang nakatakdang makakasama mo habang buhay.
Cartomancy:
Nine of Hearts, King of Hearts at Ace of Hearts ang lumabas (Illustration 2.) Ang mga baraha ang nagsasabing sa taong 2019 tulad ng inaasahan, tuluyan ng mahihiwalay sa orihinal na pamilya niya ang dating naka-live in mo, upang pagkatapos nito, tuluyan na kayong magsama sa iisang bubong bilang isang masaya at pang habang buhay ng mag-asawa. Hindi naman maghahabol ang dati niyang misis, dahil tulad ng nasabi mo na sa iyong liham, may ibang lalaki na rin pala ang misis nya.
Itutuloy….

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending