Tomboy ang karelasyon (2) | Bandera

Tomboy ang karelasyon (2)

Joseph Greenfield |November 28,2015
facebook
share this

Tomboy ang karelasyon (2)

Joseph Greenfield - November 28, 2015 - 03:00 AM

Sulat mula kay Eunice ng San Jose, Tacloban City, Leyte
Problema:
1. May karelasyon akong tomboy kaya tutol ang mga magulang ko sa relasyon namin. Pero nagmamahalan kami. Actually, magtu-two years na kami sa darating na December 25. Ang itatanong ko lang sana ay kung kami na po ba talaga ang magsasama habang buhay kahit na tutol ang mga magulang ko sa kanya.

2. Ako lang kaya talaga ang kaisa-isang babae sa buhay niya? Kasi minsan ay nahuhuli ko siyang may ka-text mate at sabi niya sa akin ay kaibigan niya lang daw iyon. Totoo kayang kaibigan lang niya ang ka-text mate niya at hindi kaya dumating ang araw na ipagpalit nya rin ako sa iba? October 29, 1991 ang birthday ko at November 7, 1990 naman ang birthday ng tomboy na karelasyon ko.
Umaasa,
Eunice ng Leyte
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Scorpio (Illustration 2.) at nagkataong Scorpio din ang karelasyon mo ay nagpapatunay lamang na kayo na nga ang nakatakdang magsasama habang buhay. Dahil ang kapwa Scorpio ay sadyang tugma at compatible sa isat-isa lalo na’t deviant o kakaiba ang kanilang ugnayan.

Numerology:
Ang birth date mong 29 at 7 naman ang karelasyon mo ay nagsasabi ding tugma ang inyong kapalaran at tadhana, sa aspetong pang-numerology. Ibig sabihin, hadlangan man ng lipunan ang inyong relasyon at tumutol man ang iyong mga magulang, sa bandang huli ay wala rin silang magagawa sapagkat, tulad ng nasabi na, itinakda na kayo ng kapalaran upang magsama habambuhay.

Graphology:
Ang lagda mong mara-ming bilog at bukod sa maraming bilog ay may malaki ring bilog sa ilalim na bahagi ay nagsasabing hindi ka nga makakatakas sa isang hindi normal na relasyon. Subalit ang “deviant love affairs” na nabanggit ay possible na ngang maging maligaya at maging panghabambuhay.

Huling payo at paalala:
Eunice, hindi natin kinukunsinti ang imoralidad sa ating mga artikulo, ganoon pa man, bumabasa lang tayo ng takdang kapalaran. Kung saan, ayon sa iyong kapalaran, tiyak ang magaganap— sa ayaw at sa gusto ng lipunan, tutol man ang mga magulang mo at ang buong barangay sa inyong relasyon, wala silang magagawa, dahil sa taong 2017 sa edad mong 26 pataas at 27 naman ang boyfriend mong tomboy, tuluyan na nga kayong magsasama sa iisang bubong upang buuin at pagsaluhan ang isang kakaiba ngunit maligaya at panghabambuhay na relasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending