Valerie may mga ebidensiya: Hindi po ako kabit! | Bandera

Valerie may mga ebidensiya: Hindi po ako kabit!

Ervin Santiago |November 28,2015
facebook
share this

Valerie may mga ebidensiya: Hindi po ako kabit!

Ervin Santiago - November 28, 2015 - 02:00 AM

valerie concepcion

KAYANG patunayan ni Valerie Concepcion na hindi siya kabit – meron daw siyang ebidendiya na magpapatunay dito.

Sa nakaraang presscon ng bagong GMA Telebabad series na Because Of You na pinagbibidahan nina Gabby Concepcion at Carla Abellana, kung saan gaganap na namang kontrabida ang aktres, sinabi niya sa amin na maligaya siya ngayon sa kanyang lovelife.

Hindi man pinangalanan ni Valerie kung sino ang bagong lalaking nagpapasaya sa kanya ngayon, inamin naman niyang ito ‘yung Immigration officer na na-link sa kanya noon. Nu’ng una ay idinaan lang sa tawa ng Kapuso actress ang estado ng kanyang lovelife pero umamin din eventually.

Sey ng sexy actress, “We are still dating, wala pa talagang commitment. Yung tungkol sa mga intrigang lumabas na kasal na raw kami o getting married na, that’s not true.” E, ano ‘yung kumalat na balitang kabit lang daw siya ng dyowa niya ngayon? “Actually hindi ko po alam kung saan nanggaling yun.

Annulled na po siya. Kaya nga po nanahimik ako du’n sa isyu kasi wala namang ganu’n. Actually, may kopya ako ng annulment papers,” sabi ni Valerie. Talagang itinago niya ang annulment papers? “Opo sinecure ko na po yan. Ha-hahaha! May picture pa sa akin, just in case!”

Pero totoo bang ayaw sa kanya ng mga anak ng kanyang boyfriend? “Ay di po! Actually, well, uh, paano ko ba ie-explain? Yung kids naman po wala po kaming time to actually mag-bond or mapakilala nang todo-todo bilang si Immigration (tawag ni Val sa guy) naman po…hindi pa naman kami totally kaming-kami na.

“Parang more on…alam niyo naman ako mahilig sa mahabang date-date. Sabi ko nga alam mo naman yung ex ko dati one and a half years kami nag-date tapos nine months lang kami tumagal.

Ha-hahaha! So ngayon isang taon na kaming nagde-date ni Immigration, so tingnan natin what’s next,” chika pa ni Val. Feeling mo ba this is it na? “Sana naman po kasi di ba, parang pangatlo ko na ‘to, gusto ko nang magpakasal matagal na.

Apat na taon na akong naghihintay, tatlong lalaki na ‘to kung saka-sakali. Di ba nakakapagod din naman. Pero siyempre malalaman po natin yan pag naging kami na talaga.”

May nasabi siyang last try na niya ang GMA primetime series na Because Of You para sa kanyang showbiz career at kapag hindi pa ito nagtuluy-tuloy ay balak na niyang mag-iba ng profession.

“Opo, medyo po ganu’n yung plano. Kung mag-boom uli ako dito sa GMA bakit hindi. Pero kung ayaw na talaga sa akin ng mga showbiz people siguro mag-FA (flight attendant) na ako. Pangarap ko rin kasing mag-FA.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ako naman po I believe na sa lahat ng pinagdaanan ko sa buhay kahit anong ibigay sa akin, kahit anong pagsubok kakayanin ko.” Samantala, sa Because Of You na magsisimula na sa GMA Telebabad sa Lunes, gaganap si Valerie bilang asawa ni Gabby na magkakaroon ng lover sa katauhan ni Carlo Gonzales.

Magkakahiwalay sila. Pero babalik kapag nalaman niyang nagugustuhan na ni Gabby si Carla.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending