Update: Sekyu nagpakamatay matapos mang-hostage; walang habas na magpaputok | Bandera

Update: Sekyu nagpakamatay matapos mang-hostage; walang habas na magpaputok

|November 26,2015
facebook
share this

Update: Sekyu nagpakamatay matapos mang-hostage; walang habas na magpaputok

- November 26, 2015 - 03:29 PM

NIMG-20151126-WA0008
NAGPAKAMATAY ang isang security guard matapos mang-hostage at walang habas na nagpaputok sa isang tindahan sa Rizal ave., sa Maynila ngayong hapon.

Tumagal ng 20 minuto ang pamamaril ng security guard ng Chain Glass Enterprise matapos siyang imbestigahan ng mga pulis mula sa Manila Police Distric (MPD) kaugnay ng isang insidente ng pagnanakaw sa naturang kompanya. Tatlo ang sugatan, ayon sa MPD.

Inakusahan ang guwardiya na sangkot sa pagnanakaw ng P1 milyon sa kompanya.
Nagdulot naman ng matinding trapik ang hostage-taking kung saan napilitang isara ang mga kalapit na Pampanga st. at Laguna st.

Sinabi ng MPD na isa ang nasawi, samantalang dalawa ang sugatan matapos ang insidente.

Dumating naman ang asawa ng guwardiya para kausapin ang mister.

Natapos ang negosasyon para mapasuko ang suspek ganap na alas-2:30 ng hapon, sa pulisya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending