Magsasaka patay matapos atakihin ng kalabaw sa Iloilo | Bandera

Magsasaka patay matapos atakihin ng kalabaw sa Iloilo

|November 26,2015
facebook
share this

Magsasaka patay matapos atakihin ng kalabaw sa Iloilo

- November 26, 2015 - 03:12 PM

pavia, iloilo
PATAY ang 50-taong-gulang na magsasaka matapos atakihin ng isang kalabaw sa bulubunduking barangay sa bayan ng Ajuy, tinatayang 85 kilometro ang layo sa hilagang silangan ng Iloilo City

Nagtamo ng sugat sa tiyan, leeg, balikat at iba pang parte ng kanyang katawan ang biktimang si Alfredo Amor, isang magsasaka mula sa Barangay Badiangan sa Ajuy, matapos namang suwagin ng kalabaw.

Ayon sa misis ng biktima na si Edith, pag-aari ang kalabaw ng isa pang magsasaka sa kalapit na barangay ng Manlod sa bayan ng Barotac Viejo at nakawala sa kanilang sakahan noong Miyerkules ng umaga.

Itinago ni Alfredo ang lalaki nilang kalabaw para maiwasan ang pag-aaway ng dalawang hayop.
Ganap na alas-3 ng hapon, lumapit ang kalabaw sa kanilang bahay sa Bandiangan, dahilan para bugawin ito ni Alfredo palayo.

Imbes na lumayo, sumugod ang kalabaw palapit kay Alfredo, dahilan ng kanyang agarang pagkamatay.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending